^

PSN Opinyon

Zero crime incidents sa 61 bayan ng Cordillera!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HINDI nakapagtataka kung dumagsa man ang mga investors o negosyante sa Cordillera region ‘yan ay dahil sa mga programa at aksiyon ng pulisya para panatilihin ang katahimikan sa naturang rehiyon. Kaliwa’t kanan ang isinasagawang manhunt operations laban sa mga wanted persons ang isinasagawa ng mga tauhan ni Cordillera police director Brig. Gen. Maffy Bazar.

Hindi lang ‘yan, pinaigting pa ni Bazar ang kampanya nila laban sa droga. Kaya hayun, matahimik ang Cordillera region na makapagkumbinsi ito sa mga namumuhunan na magpundar ng negosyo roon, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan. Mismooooo!

Nagsagawa ang mga bataan ni Bazar nang malawakang manhunt operations sa rehiyon noong Pebrero 26 hanggang Marso 4 at naaresto ang 32 wanted personalities, kasama na rito ang No. 1 most wanted person sa municipal level.

Base sa records ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), ang Benguet police ay may nahuling 14 wanted persons, na sinundan ng Baguio City na may limang huli.

Ang Mountain Province police ay may apat na inaresto, ang Ifugao at Apayao ay tig-tatlo, Kalinga ay dalawa, samantalang isa sa Abra. Sa nabanggit na period, masayang iniulat ni Bazar na may 61 munisipalidad sa kanyang sakop ay nag-record ng zero crime incidents. Eh di wow!

Sinabi ni Bazar na 24 sa mga bayan ay nasa Abra, lima sa Apayao, pito sa Benguet, anim sa Kalinga, siyam sa Mountain Province at 10 sa Ifugao. Samantala, zero crime din sa Aurora Hill Police Station 6, Kennon Road Police Station 8 at Insan Police Station 9 sa Baguio City. Tsk tsk tsk!

‘Yan ay dahil sa pinaigting na police visibility na iniutos ni Bazar sa kanyang mga provincial directors. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Sa kampanya naman laban sa droga, nakaaresto ang mga tauhan ni Bazar ng walong personalidad at nakakumpiska ng P19.1 milyong halaga ng shabu at marijuana. Walastik! Tig-tatlong drug personalities ang inaresto ng Abra at Kalinga police samantalang tig-isa naman ang Baguio City at Benguet at nakumpiska sa kanila ang 21.5 gramo ng shabu na may kabuuang halagang P142,200.

Sinalakay din ng Cordillera police ang pitong marijuana plantations sa Mt. Province at sinira ang 18,673 pirasong fully-grown marijuana plants, 127,000 grams ng dried marijuana leaves, at fruiting tops na nagkakahalagang P18,974,600.

O hayan, ‘wag na kayo magtaka kung bakit sobrang tahimik sa Cordillera region ha mga kosa? Abangan!

INVESTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with