^

PSN Opinyon

Batas ng political warlords

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KAKAIBA ang provincial politics. Malalakas ang loob ng political warlords sa malalayong probinsya.

Bakit tinawag na political warlords?

Sila ‘yung mga pulitiko na ang dugo ay mandirigma. Matira ang matibay kung sino dapat ang manatili at mamuno. 

May sarili at kanya-kanya silang mga puwersa’t tauhan. Kakaiba rin ang kanilang mga galawan at estilo sa galawan. 

Teritoryal ang ugali ng mga political wardlord sa kung sino man ang namumuno.

Lalo na sa kung sino man ang gustong umagaw sa pamu­muno gamit ang dahas. Layunin niya/nilang tuldukan ang pananatili mo sa mundong ito. 

Matinding pinag-aaralan ang galawan ng kanilang katunggali o vice versa. Kapag sila’y na-outsmart, na-outdone, na-outperform, kailangan nang i-outflank ang iyong katunggali.

Ang kanilang gamit: guns, gold and goons. 

Maging ang kanilang mga tagasunod at tagasuporta, kakaiba rin ang isipan at sikolohiya. Matataas ang emos­yon at damdamin.

Dahil sa matinding paniniwala at pagsuporta sa “adbo­kasiya” ng kanilang pulitiko, handang gumawa ng bagay kung kinakailangan kahit mauwi pa sa hindi magandang kahihinatnan.

Tandaan na sa ganitong mga galawan, mayroon laging utak o ang tinatawag na “the brains”.

Kasama rin ang mga tactical planners and recruitment na kung tawagin naman ay “the executioner”.

Talagang iba ang kultura kung provincial politics at ang mga political wardlords nito ang pag-uusapan. 

Nakalulungkot sabihin na ang mga alagad ng batas, mga piskalya, at mga huwes, alam nila kung sino ang mga naghahari-harian at nagsisiga-sigaan. 

Ang pinakamasaklap, wala silang magawa. Ika nga “self-preservation” na lang lalo na kung ‘yung political warlord ay dikit sa administrasyon. 

Kaya naman ‘yung desperado, desperado rin kung mag-isip at kumilos. Desperado na rin ang desisyon at aksyon. 

Huwag naman sanang kumalat ang kulturang ito sa National Capital Region (NCR). 

Kinakailangan dito na may kinakatakutang batas. ‘Yung batas na hindi ka sasantuhin na pag sinubukan mo, may kalalagyan ka sa lengguwaheng ginagamit mo. 

Kung itong mga pulitiko dinala sa Maynila, ang mensahe dapat: “pangprobinsya ka lang. Dun ka maghari-harian. Wag mong dadalhin sa Maynila. Di mo teritoryo ‘to.”

Ito ang totoong istorya sa mga pinapatay na pulitiko — mga provincial politics.

vuukle comment

NCR

POLITICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with