^

PSN Opinyon

Tips para sa tamang pagligo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang tips ni Dr. Katty Go, isang dermatologist sa Manila Doctors Hospital, ukol sa tamang paraan ng pag­ligo. Sundin natin ito.

1. Huwag lalampas sa 7-10 minuto sa shower. Ang pagbabad sa tubig ay nakatutuyo ng balat. Pagmasdan mo ang iyong kamay kapag matagal ng nakababad sa tubig. Kumukulubot hindi ba?

2. Magkuskos lang ng bahagya. Alam kong gusto natin maging malinis. Pero kung hindi naman tayo ganoon kadumi sa maghapon, huwag nang magkuskos ng malakas. Hindi rin pinapayo ni Dr. Katty ang paggamit ng hilod o lufa. Kapag sobra ang pagkukuskos, matatanggal ang oil (o moisture) na nagpapakinis sa ating balat.

3. Maglagay ng lotion o bath oil agad pagkatapos maligo. Ayon kay Dra. Katty, ito ang pinakamagandang panahon ng paglagay ng lotion o bath oil (mabibili ito sa super­markets) dahil nakabukas pa ang ating mga pores sa balat. Lagyan ng lotion ang mga tuyong parte ng katawan tulad ng siko, kamay, paa, tuhod, tainga at batok. Kung nala­lagkitan ka sa lotion, subukan ang bath oil.

4. Kung masyadong tuyo ang balat, maglagay ng panga­lawang pahid ng lotion. Sa unang pahid ay naa-absorb ng ating­ balat ang lotion. Kaya puwede pang lagyan ng isang pahid ng lotion.

5. Sa pagpili ng lotion at sabon, umiwas sa mga may matatapang na pabango, na puwedeng magdulot ng allergy­. Maganda ang Ivory soap (walang pabango) at Dove soap (na may oil). Kung gumagamit kayo ng Dove soap, mapa­pansin ninyo na may natitirang oil sa iyong balat kapag ika’y nagbabanlaw na. Huwag mo nang piliting alisin itong oil dahil nakatutulong ito sa pagpapalambot ng iyong balat.

6. Tandaan: Huwag gumamit ng sabon panlaba para sa iyong kamay o katawan. Matapang ito at nakasisira ng kutis.

7. Pagkatapos maghilamos ng mukha, puwedeng gumamit ng moisturizer para sa mukha. Lagyan din ang ilalim ng mata para mabawasan ang wrinkles sa eye bags.

8. Okay lang kung gusto ninyong maligo ng malamig o mainit na tubig. Para sa akin, mas gusto ko ang maligamgam na tubig.

9. Sa pag-shampoo ng buhok, siguraduhing basang-basa ang iyong buhok bago ito lagyan ng shampoo. Huwag gamitin ang sabon bilang pang-shampoo, Hindi ito angkop para sa buhok. Kung may balakubak, gumamit ng mga anti-dandruff shampoo. Dapat mo lang iwan ng limang minuto ang shampoo sa iyong buhok at anit para mabawasan ang balakubak.

10. Puwedeng gumamit ng astringent tulad ng Eskinol para linisin ang iyong mukha ng mga dalawang beses kada linggo. Dahil may sangkap itong alcohol, natatanggal nito ang mga dumi na hindi kayang tanggalin ng sabon. Ngunit, paminsan-minsan lang itong gamitin dahil nakaka-dry ng balat.

BATH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with