^

PSN Opinyon

Kumplikado ang kasal

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Isa sa mga paraan sa ating batas  (Art. 88, New Civil Code, Art. 48 Family Code) para protektahan ang kasal ay ang patakaran na hindi puwedeng mapawalang-bisa ang kasal base lang sa napagkasunduan ng magkabilang panig o dahil lang sa ikinumpisal sa korte. Sa mada­ling salita, hindi porke nagkasundo ang mag-asawa na ipawalambisa ang kanilang kasal o sumang-ayon sa petisyon ang kabilang panig ay aaprubahan na ito sa hukuman. Ito ang hatol sa kaso ni Pablo.

Si Pablo ay U.S. veteran na nakatira sa isang probinsiya sa kanluran. Noong 1927, nagkakilala sila ni Naty at nag-umpisa na siya sa panliligaw hanggang sa matuloy sa kasalan sa harap ng isang pastor sa Malate, Manila. Nagkaroon sila ng marriage certificate pero hindi ito lumabas sa mga rekord ng gobyerno. Lumalabas kasi na hindi awtorisado ang nasabing pastor na magkasal. Matapos magsama bilang mag-asawa, iniwan lang ni Pablo si Naty at umuwi sa sariling probinsiya.

Pagkaraan ng 25 taon, nakilala naman ni Pablo si Rose at pinakasalan. Isang guro ang babae at ang kasal ay ginanap sa harap ng huwes sa kanilang bayan.

Nang malaman ni Naty ang tungkol sa pagpapakasal ni Pablo, naghabol siya at nagsampa ng petisyon para mapawalambisa ang kasal dahil daw kasal na ang lalaki sa kanya. Umiiral ang kasal nila na ginanap sa Malate. Kontra sa kanyang mga paratang sina Pablo at Rose. Wala naman daw lumalabas na rekord ng kanilang kasal dahil nga hindi awtorisado ang ministro.  Sa pagresolba sa kaso, nagkasundo sina Naty at Rose tungkol sa mga inaamin at itinatanggi nila o samakatwid ay nagkasundo sila sa tinatawag na “stipulation of facts” pati isinama nila ang kani-kanilang kopya ng marriage certificate at ipinasa sa korte. Puwede ba ito?

OO. Ang dahilan kung bakit ipinagbabawal ang sinasabing stipulation of facts sa kaso ng annulment sa kasal ay para pigilan ang kuntsabahan sa pagitan ng magkabilang panig. Sa kasong ito, malabo na magsabwatan ang dalawang misis dahil may kanya-kanya silang interes na magkasalungat. Isa pa, ang marriage certificate na kasama bilang ebidensiya ng bawat isa ay hindi naman masasabing parte ng ginawang stipulation of facts (Cardenas vs. Cardenas & Rinen, 98 Phil 73).

FAMILY CODE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with