^

PSN Opinyon

AB 5.0 sneakers para sa estudyanteng Makatizens, astig!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Narito na ang bagong AB 5.0 rubber shoes! Mas pina­ganda ang design at pinatibay ang yari ng sneakers­ kaya ito ang bagong favorite ng #ProudMakatizen stu­dents­. Noong Thursday, sinimulan na namin ang distribution ng pinaka­bagong version ng free rubber shoes natin­ para sa mga mag-aaral ng public schools ng Makati­. Mata­tan­daang naging internet sensation ito nang una naming ini­labas noong 2018.

Five versions later ay collector’s item na nga ang AB sneakers natin, at talaga namang inaabangan ito ng mga bata tuwing pasukan. Nasa 78,023 students mula elemen­tary hanggang senior high school ang tatanggap ng AB 5.0 sneakers sa school year na ito.

Naiiba ang kulay at design ng AB 5.0 kumpara sa naunang apat na bersyon. Ginawang stylish at sunod sa uso ang disenyo ng rubber shoes para maging proud at masaya ang mga estudyanteng magsusuot nito.

Nagsimula ang distribusyon sa Rizal Elementary School, Makati Elementary School, Benigno Ninoy Aquino­ High School, at Makati High School. Agad namang isusunod ang ibang schools sa Makati. Ang first batch ng AB sneakers noong 2018 ay ibinigay sa 89,862 students. Ang AB 2.0 ay ipinamahagi sa 90,000 students, habang ang AB 3.0 naman ay tinanggap ng 93,110 mag-aaral. Noong 2022 ay 85,934 pairs ng AB 4.0 sneakers ang aming pinamigay sa #ProudMakatizen students.

Sikat na sikat ang AB sneakers ng Makati, at may ilang local government units na rin ang sumubok na ga­yahin ang mga ito, ngunit hindi mapantayan ang kalidad at di­senyo ng mga materyales. Abangan ang distribution ng bagong shoes sa inyong school!

Bukod sa AB 5.0 sneakers, namigay din kami ng resuable water bottles sa mga mag-aaral. Maikukumpara sa mga sikat na brand at mamahaling stainless tumblers ang quality at design ng water bottles na ito. Bukod sa makakatipid ang mga bata dahil hindi na bibili ng inumin sa labas, ay makasisiguro pa tayong hydrated palagi ang mga bata. Higit sa lahat, mababawasan ang single-use plastics tulad ng water at soda bottles. Alinsunod ito sa layunin ng Makati na bawasan ang plastic waste sa lungsod.

Samantala, 29,657 junior high school students ang binigyan ng libreng jacket na matching sa design ng AB 5.0 sneakers. Mayroon namang 8,910 senior high school students ang makakatanggap ng kanilang mga bagong bag. Ang mga knapsack-styled na bag ay gawa sa de-kalidad, matibay at water-repellent na materyal.

Nagbibigay ng libreng uniform at school supplies ang lungsod sa ilalim ng Project FREE upang mabawasan ng intindihin ang mga magulang at ganahan ang mga estudyante na mag-aral.

***

Inilunsad noong Biyernes ng Museum and Cultural Affairs Office (MCAO) ang Cultural Mapping and Historical Research Project ng Makati. Sa ilalim ng National Cultural Heritage Act of 2009, dapat kilalanin at pangalagaan ng mga lokal na pamahalaan ang mga pamana at tradisyon ng kanilang lugar. Layon ng cultural mapping na pangalanan at kilalanin ang mga tangible at intangible heritage ng lungsod.

Kabilang sa mga dumalo sa programa sina Vice Mayor Monique Lagdameo, Kon. Alcine Yabut, Chairman of Committee on Culture and Committee on Historical Affairs, city councilors, Ms. Ichi Yabut, officer-in-charge ng Museum and Cultural Affairs Office, Dean Mary Acel German ng University of Makati College of Arts and Letters, mga miyembro ng Rurban Strategic Development Planners Inc. at University of Makati representatives, at barangay officials.

SNEAKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with