^

PSN Opinyon

Dayuhan, may kontrol sa presyo ng sibuyas?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Para kay Senate Minority leader Koko Pimentel, may dayu­hang puwersa na kumukontrol sa presyo ng sibuyas­ kaya napakataas ng presyo nito sa merkado. Itatanong marahil ninyo, paano mangyayari ito gayung mga magsasakang Pilipino ang nagtatanim ng sibuyas at wala namang kakulangan ng produktong ito sa mga pami­lihan?

Kamakalawa, nagulantang ako sa isang napalatha­lang balita na may limang magsasaka ng sibuyas ang nagpakamatay dahil sa pagkalugi. Lubha umanong bina­barat ng mga traders ang kanilang ani at hindi na sila kumikita.

Maaari ngang may foreign power na umoobliga sa pamahalaan na i-export ang ating sibuyas at pagka­tapos aangkatin natin muli ito sa mataas na halaga. Suspisyon lang naman iyan na maaari ring hinalain nang marami.

Bakit kailangang umangkat pa ng sibuyas gayung hindi naman kinakapos sa ani ang ating mga onion planters? Ang ganitong patakaran sa importasyon ay literal na puma­patay sa mga magsasaka.

Dahil sa sobrang desperasyon sa pagkalugi, may ibang nagpapakamatay. Nakalulungkot. Nangyayari ito sa ibang produktong lokal na kahit hindi kailangang angkatin ay inaangkat ng gobyerno.

Ayaw kong isipin na kinukunsinti ito ni Presidente Marcos dahil tumatanaw ng utang na loob sa mga negosyante at ibang sektor na nag-ambag nang malaking halaga upang siya ay mailagay sa matayog na kapangyarihan. Mayroon din kayang foreign power na disimuladong umayuda sa kanyang pagkakalagay sa puwesto?

MERKADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with