^

PSN Opinyon

Taxi driver, wallet taker

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PAGNANAKAW ang pangunguha ng mga bagay na hindi pag-aari. Kesehodang napulot ‘yan at hindi ibinalik sa may-ari o sa otoridad, pagnanakaw pa rin ‘yan.

Naawa ako sa isang 75-anyos na tricycle driver na du­mating sa amin sa BITAG, unang araw ng pasukan nga­yong 2023.

Nalaglag daw ang kanyang wallet habang namamasada­. Ang perang laman na P5,000 ay pinag-ipunan niya mula sa pamamasada.

Pastor din ang matandang humihingi sa BITAG ng tulong. Ang kanya lamang gusto, maipanawagan sa taxi driver na nakapulot ng kanyang wallet na ibalik na ito.

Isang kasamahan sa Toda ang nakakita kung sino ang nakapulot ng wallet ng matandang tricycle driver.

Aniya, naaktuhan niyang pinupulot ng taxi driver ang wallet sa kalsada. Nakita umano nila ang mga ID na nasa wallet at P5,000 pera.

Sinabi raw ng tricycle driver na kilala niya ang nagma­may-ari at kasamahan niya ito sa Toda. Sinubukan niyang kunin ang wallet subalit hindi raw siya pinansin ng taxi driver, bagkus ay pinaharurot nito ang kanyang taxi dala ang wallet ng matanda.

Ang lahat ng pangyayari, nakuhanan ng CCTV camera na nasa poste ng kalsada ng Tomas Morato St. sa Quezon City.

Ramdam ko ang pag-iyak ng kalooban ng matandang­ tricycle driver. Imbes magalit sa taxi driver na nag-ala ka­watan, tila sinisisi pa niya ang sarili sa pagkakalaglag ng kanyang wallet.

Sa inisyal na imbestigasyon ng BITAG sa tulong ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), ang nasabing taxi na may plate number UVT-198 ay pag-aari ng Laranjo Taxi.

Sa record ng LTFRB, matatagpuan sa Instruction St., Sampaloc Manila ang tanggapan ng Laranjo Taxi.

Subalit sinubukan na ng Barangay Ex-O ng South Triangle ang nasabing address, subalit hindi raw nakita ang nasabing taxi.

Babala ng LTFRB, responsibilidad ng mga taxi operators na kilalanin ang kanilang mga driver. Kasama sa terms and conditions ng pagkuha ng prangkisa na masigurong maayos at mapagkakatiwalaan ang mga driver hindi lang ang sasakyang taxi.

Malinaw sa CCTV na may pananagutan ang operator sa ginawang pagtakbo ng wallet ng taxi driver na hindi naman sa kanya.

Ipinatatawag na ng LTFRB ang operator na Laranjo Taxi upang iharap sa nagrereklamong matandang pastor/tricycle driver.

Kapag hindi nailabas ng operator ang driver ng kanyang taxi na inirereklamo sa sumbong na ‘to, otomatikong mananagot at papatawan ng LTFRB ng penalty ang operator.

At sa taxi driver na nakapulot ng wallet sabay takbo, dahil sa P5,000, liliit ang mundo mo. Hindi kami titigil sa BITAG hangga’t hindi ka namin nakikilala.

TAXI DRIVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with