^

PSN Opinyon

Mga opisyal ng PNP, nagmistulang manghuhula!

DIPUGA - by Non Alquitran and Pia Lee-Brago - Pilipino Star Ngayon

Naging abala sa guessing game ang opisyales ng Philippine National Police (PNP) matapos mag-leak noong Huwebes ang initials ng PNP officials na umano’y sangkot sa illicit drug trade. Kaya lang hanggang kahapon, wala pang nakakumpleto ng hula kung sinu-sino ang apat. Eh di wow!

Sa presscon naman noong Biyernes, ayaw patulan nina Interior Sec. Benhur Abalos at PNP spokeperson Col. Jean Fajardo ang isyu sa pagsasabing tinatrato nilang highly confidential ang pangalan ng mga PNP officials na sangkot sa droga. Sa totoo lang, si idol Mon Tulfo ang nagbulgar sa kanyang kolum sa sister paper naming Philippine Star ang initials ng apat na PNP officials na iniimbestigahan dahil sa isyu ng droga.

Ayon kay idol Mon, ang mga initials ay RM, RP, RR (who’s now retired) and MA. Ang screenshot ng mga initials ay umikot sa mga PNP officials, hindi lang sa Camp Crame, kundi maging sa iba pang police headquarters. Kaya’t hayun! Hinulaan na ng mga PNP members kung sinu-sino ang mga ito subalit hindi nila nakumpleto. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kayo mga kosa kilala n’yo ba kung sinu-sino ang apat na opisyal ng PNP na binanggit ni idol Mon? Eh di wow!

Hehehe!

Mukhang police official din ang nag-leak kay idol Mon kung sinu-sino ang apat dahil may parting shot siya kay PNP chief Gen. Junaz Azurin. “A police official who talked to me on condition of anonymity said that PNP chief Azurin’s resignation should be accepted, not because he’s involved in the illicit drug trade but because he’s a weak leader,” ang sabi ng kausap ni idol Mon. Araguuyyyyy!

Iginiit ni Abalos na hindi kailangang ipangalandakan ang pa­ngalan ng mga police officials na nagsumite ng kanilang courtesy resignation at tinanggap ni Presidente Bongbong Marcos. “This is a radical move. Kamukha ng sinasabi ko noon pa, extraordinary times calls for a radical and bold actions. This is out of the box, in the same token let’s say kung may matatanggap kang resignation, let them retire silently,” ani Abalos.

Sinabi naman ni Fajardo na sa 956 na heneral at colonel na target ng courtesy resignation, tatlo na ang nakapagretiro. At sa natirang 953, 904 na ang nagsumite ng courtesy resignation so halos 95 percent na ang tumalina sa panawagan ni Abalos.

Ipinaliwanag ni Fajardo, na ang natitirang 49 na opisyal, maaring manggagaling sila sa Visayas o Mindanao kaya’t na-delay ang pagsumite nila dahil kailangang gumamit ng courier at hindi puwedeng i-email. Hayan, nasa homestretch na ang hakbangin na ito ni Abalos kaya konting tiis lang mga kosa at liliwanag din ito. Dipugaaaaa!

Nagpasalamat naman si Abalos sa tiwala na ipinakita ng mga nagsumite ng courtesy resignation sa prosesong isinalang nila. Para masala talaga at tamaan ng lintik ang guilty sa kaso ng droga, idadaan pa ang pangalan ng mga nirebisa ng 5-man committee sa Napolcom.

Ayaw ni Abalos na magmukhang fishing expedition itong kampanya para linisin ng sangkot sa droga ang hanay ng PNP. Hehehe! May susuway kaya sa pakiusap ni Abalos? Saan sila dadamputin pagnagkataon? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with