^

PSN Opinyon

Pitsa ng CPP-NPA, kinumpiska ng gobyerno!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

 HAPPY New Year mga kosa!

• • • • • •

Gumuguho unti-unti ang samahan na itinatag ni yumaong college professor Jose Ma. Sison. Hindi naman kaila sa inyo mga kosa na matapos iwan ni Sison ang mundong ibabaw, marami na sa miyembro ng CPP-NPA ay sumuko na sa gobyerno ni President Bongbong Marcos dahil sa tindi ng hirap ng buhay sa kanayunan.

Inabot pa ng delubyo ang CPP-NPA matapos kumpiskahin ng gobyerno ang salaping P557, 360 na narekuber ng elemento ng Criminal Investigation and Detecion Group (CIDG) sa isang operation sa Tacloban City noong Feb. 7, 2020.

Sa isang landmark decision, kinatigan ng korte sa Maynila ang petition ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), sa pagpursigi ni CIDG director Maj. Gen. Ronald Lee, na kumpiskahin ang pitsa na nakuha kina Mariel Domequil at Frenchie Mae Cumpio. Ang pitsa, ayon kay Lee, ay gagamitin bilang pondo ng mga rebelde sa Visayas, at pambili ng logistical supplies tulad ng bala. Eh di wow!

“Itong landmark case ay isang napakalaking hakbang sa pagsugpo at pagpigil natin sa mga makakaliwang grupo na makapaghasik ng kaguluhan at takot sa ating bayan,” ani Lee. “This is the start, we assure the public that the CIDG  and its partner agencies will not stop our efforts to  coil and foil terrorism” ang dagdag pa niya. Dipugaaaaa! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sina Domequil at Cumpio ay naaresto ng CIDG ­operatives sa Bgy. Calanipawan sa Tacloban City, sa bisa ng search warrant noong Feb. 7, 2020. Nakumpiska sa kanila ang dalawang granada, dalawang Cal. 45 pistols, mga bala at isang black box na naglalaman ng cash in P1,000 at P500 denominations.

Ayon kay Lee, sina Domequil at Cumpio ay Finance Officers ng Human Rights Group at Gabriela. Hiniling ni Lee sa AMLC na magsagawa ng financial investigation laban sa dalawa na nagresulta ng decision ng Manila Court na ipinalabas noong Dec. 7. “There is no doubt that the captured CTG members are custodians or repositories of funds for the CPP-NPA, and there is a high probability that the funds seized from them are owned by the CPP-NPA and intended to be used by the said terrorist organization,” ang pahayag ni Lee.

Sa desisyon naman ng Manila court, sinabi nito na,“ Considering that the subject funds of respondents Cumpio and Domequil are related to an unlawful activity and the said respondents failed to adduce evidence to prove otherwise, the same shall be forfeited in favor of the Government.” Araguuyyyyy! Tsk tsk tsk! Sina Domequil at Cumpio ay nakakulong pa sa Tacloban City hanggangngayon, ayon kay CIDG spokeperson Maj. Mae Ann Cunanan. Mismooooo!

Ang CPP-NPA mga kosa ay itinalagang terrorist organization, hindi lang ng Pinas, kundi maging ng United States at iba pang bansa sa Europa. “This success is a huge step in the PNP’s relentless campaign to neutralize any forms of terrorism financing,” ayon ka sa CIDG director. Ipinahayag pa ni Lee na marami pa silang kukumpiskahing pitsa at ari-arian ng CPP-NPA sa partnership nila ng AMLC. Abangan!

KOSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with