^

PSN Opinyon

Italyano naging Santo: naghimala sa Batangas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KUWENTO ito ni Salesian Father Donnie Duchin Duya ng Don Bosco, Philippines nu’ng Oct. 9 nang e-cannonize ni Pope Francis na Santo si Italian pharmacist Blessed Artémide Zatti. Namatay siya nu’ng 1951 pero nagmilagro­ sa Batangas nu’ng 2016. Ginagawang Santo ang Blessed kapag may nagawang himala. Isinatagalog ko ito para ma­ikalat.

Na-stroke si Renato Narvaez, 64, Aug. 11, 2016. Sa ospital 240/150 ang blood pressure at hindi na maalala ang sariling pamilya. Nang mag-comatose siya sa dami ng blood clot sa utak, hindi madisesyunan ng pamilya kung magastos siyang paooperahan sa bungo. Tumawag ang isang anak sa kapatid ni Renato sa Rome, si Salesian Brother Obet Narvaez.  Pumayag siya na huwag nang operahan si Renato. Binilinan ang pamilya na magdasal kay Blessed Zatti at dikitan ng retrato nito sa kamay ng pasyente. Agad umuwi sa Pilipinas si Bro. Obet, dala ang barong tagalog para sa tiyak na burol ng kapatid.

Diretso sa ospital si Bro. Obet, Aug. 21. Pumirma ng waiver para iuwi si Renato. Hindi na nila binili ang prescribed medicines. Pag-uwi ng 8:00 p.m. naghanda na sila sa pagpanaw. Bumili na nga ng memorial lot ang isang anak. Nag­linis sila ng bahay. Niluwagan ang pintuan para magkasya ang ataul sa burol. Alas-onse pina-extreme unction sa pari si Renato. Sinamahan ni Ka Obet ang kapatid at magdamag nagdasal.

Kinaumagahan alas-4, biglang bumangon si Renato. Humingi ng pagkain. Nagkuwento parang hindi galing sa coma. Inalalayan ng misis sa kubeta para umihi. Lumabas at naglakad nang sarili si Renato.

Umepekto ang dasal kay Blessed Zatti. Naalala ni Bro. Obet na nu’ng Nov. 15, 2015, nang bumisita sa nitso ni Zatti­ sa Rome, hinamon niya itong maghimala para maging Santo. Nagkatotoo nga. Maraming saksi. Anim na taong inim­bes­tigahan ng Vatican. St. Zatti, pray for us.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SANTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with