^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag nang ibalik pa ang madugong ‘tokhang’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag nang ibalik pa ang madugong ‘tokhang’

Nakakatakot ang suhestiyon ni Senator Ronald­ dela Rosa na para raw masolusyunan ang mabigat na problema sa ilegal na droga, ibalik na lang daw ang ‘‘Oplan Tokhang’’. Mula raw nang bumaba sa puwesto si dating President Duterte ay nagsibalikan na ang mga sindikato ng droga at mistulang wala nang kinatatakutan ngayon. Sa TV interbyu kay Dela Rosa, sinabi nitong kung siya lang ang masusunod, dapat ibalik ng PNP ang ‘‘Oplan Tokhang’’. Naging matagumpay aniya ang ‘‘tokhang’’ sapagkat 50 percent ang ibinaba ng kaso na may kaugnayan sa droga. Inilunsad aniya ang tokhang para labanan ang drug syndicates at nang mapanatili ang kaligtasan ng mamamayan at maging maayos ang kapaligiran.

Si Dela Rosa na dating PNP chief ni President Duterte ang nanguna sa implementasyon ng Oplan Tokhang noong 2017. Kaliwa’t kanan ang drug operations ng PNP. Sa rekord mahigit 6,000 ang namatay sa drug campaign. Nagmistulang ‘‘pinakawalang mga gutom na aso’’ ang mga pulis sa pagsisimula ng kampanya. Maraming inarestong drug suspects at ang ibang ayaw sumuko at lumalaban umano ay napapatay. Kailangan daw naman umanong protektahan ng mga pulis ang sarili.

Kahit mga kabataan, nadamay sa war on drugs. Pinatay ng tatlong pulis ang vendor na si Kian delos Santos, 17, ng Caloocan City dahil pinaghinalaang nagtutulak ng droga noong Agosto 2017. Nakaluhod na pinatay ang tinedyer. Nahatulan na ang tatlong pulis na killer ni Kian.

Pinatay din ng mga pulis sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman sa Caloocan City noong 2017. Tinorture at tinaniman ng ebidensiyang shabu ang dalawang kabataan bago binaril. Ang bangkay ni De Guzman ay sinunog pa at saka tina­pon sa Nueva Ecija. Nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang killer na pulis na si Patrolman Jefrey Perez. Ang kanyang kasamahang pulis ay namatay habang nakakulong.

Madugo ang tokhang. Sa halip na masolusyunan ang drug problem ay lumala pa. Wala rin namang bigtime drug traffickers na naaresto. May mga pinangalanang drug traffickers subalit hindi naman naparusahan sa panahon ni Duterte.

Huwag nang ibalik ang tokhang at nakakatakot na maging madugo na naman. Pawang maliliit na pushers lamang ang nalalambat at napapatay.

TOKHANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with