^

PSN Opinyon

Soil investigation sa Davao- Samal Island bridge project

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang hinihintay na masimulan ang konstruksyon ng tulay na mag-uugnay sa mainland Davao City at ang Island Garden City of Samal na kung saan may higit 500 beach resorts na dinadayo ng mga bisita sa isla.

Sa ngayon kasi, tanging ang ferry at small boats o tinatawag na lantsa ang ginagamit na transportasyon sa pagitan ng Samal Island at Davao City. Kaya naman ito ay nagreresulta sa mahabang pila ng mga sasakyang guma­gamit ng ferry.

Ayon sa latest reports, ang Department of Public Works and Highways at ang contractor ng Samal Island-Davao City bridge, ay nasa stage na ng  soil testing o borehole investigation at ito ay ginagawa upang mapatunayan o ma-determine “if the soil at the identified site can bear the weight of the infrastructures that will be built and the bridge overall”.

Mahaba-haba pa ang proseso sa tulay na ito ngunit ayon sa mga nakaalam sa proyekto may tinatayang tatlo o apat na taon lang at matapos na rin ang tulay na magdudugtong­ sa Davao City mainland at ang isla ng mga turista na Samal Island.

Malapit na ring maisakatuparan ang minimithing pro­yektong ito para sa mga taga-Samal Island at mga taga-Davao City.

vuukle comment

SAMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with