^

PSN Opinyon

Pabahay sa mararalita

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Noong panahon ni President Ferdinand E. Marcos, naging Minister of Human Settlement ang kanyang First Lady, Imelda Romualdez Marcos at ang kanyang programang pabahay para sa mahirap ay puspusang isinulong. Naging pilot area ang lugar na malapit sa bundok ng basurahan na kung tawagin ay Smokey Mountain sa Balut, Tondo Manila.

Ang mga residente roon na pawang mga informal settlers ay nagtamo ng pribilehiyo ng manirahan sa mga disenteng high rise condo. Ngunit kung daraan ka ngayon­ sa naturang lugar, madisdismaya ka dahil ang mga dating magagandang low cost housing ay masahol pa sa mga gutay-gutay na barung-barong.

Nagsalimbayan ang mga kawad ng kuryente na nahalo­ na sa mga sampayan ng mga nilabhang damit. Hindi ito napa­natiling maayos ang kalagayan ng mga benepis­yaryo, lalo na nang matanggal sa kapangyarihan si Marcos noong 1986 at pinalitan sa panguluhan ni Corazon C. Aquino.

Magandang balita na binubuhay ngayon ni Pres. Bong­bong Marcos ang programang pabahay sa mahihirap na pamilya. Puspusan ang galaw ng National Housing Authority (NHA) at sa loob lamang ng anim na buwang panu­­nungkulan ni Marcos Jr. mayroon nang mga pinasisimulang high rise at medium rise housing para tugunan ang backlog sa pabahay para sa mga mararalita nating kababayan.

Hindi lang pabahay sa mga maralita ang ibi­bigay sa napakamurang halaga kundi pagkakataong maka­pagha­napbuhay dahil maglalagay ng mga paaralan­, palengke at iba pang amenities na kailangan ng taumbayan.

Sana lang, ilakip sa programang ito ang pagtuturo sa mga benepisyaryo na panatilihin ang kagandahan ng kani­lang bagong tahanan. Wika nga, matuto sa leksiyon ng nakaraan.

IMELDA ROMUALDEZ MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with