^

PSN Opinyon

Gout at mataas ang uric acid  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MARAMING paiba-ibang payo sa gout at tamang pagkain. Kaya minabuti ko ilahad ang pahayag ng Mayo Clinic sa American tungkol sa gout.

Ang gout ay isang komplikadong sakit sa buto, na may kasamang biglaan at matinding pag-atake ng sakit, pa­mu­­­mula at paninigas ng kasu-kasuan ng katawan. Na­a­­apektuhan nito ang paa, sakong, tuhod, kamay at kamao, ngunit kadalasan naapektuhan ang hinlalaki sa paa.

Ang gout ay nabubuo kapag mataas ang lebel ng uric acid sa inyong dugo. Kaya ang resulta nito ay ang pagkakaroon ng crystals (parang buhangin) na nabubuo sa kasu-kasuan o palibot ng tissue na dahilan ng pananakit at pamamaga.

Ang matinding pag-atake ng gout ay maaaring makapagpagising sa kalagitnaan ng iyong pagtulog na para bang sinusunog ang hinlalaki. Ang apektadong joint ay mainit, namamaga at naninigas.

Ang mga kadahilanan ng panganib sa gout ay ang labis­ na katabaan, sobrang pag-inom ng alak, high blood pres­sure, mataas na kolesterol at diabetes, at kung may lahi sa pamilya na gout.

Ang gout ay nagagamot, at may paraan para mabawasan ang panganib na dulot nito.

Ang American Dietitic Association ay inirerekomenda ang mga sumusunod kung umatake ang gout:

1. Uminom ng 8-16 tasa ng likido bawat araw. Mas mainam kung tubig o sopas ito at hindi matamis na inumin.

2. Iwasan ang pag-inom ng alak.

3. Kumain ng katamtamang dami ng protina, mas ma­inam kung galing sa gatas (low-fat milk), tofu o tokwa, at itlog. Hindi bawal ang monggo at tokwa sa gout. Karne ang babawasan.

4. Bawasan ang pagkain ng karne, isda at manok sa apat hanggang six ounces lamang. Ang mga pagkaing ito ay mataas sa protina at nagpapataas ng uric acid sa iyong dugo.

5. Panatilihin ang tamang timbang.

6. Kumunsulta sa doktor kung nilalagnat at ang kasu-kasuan ay mainit at namamaga. Baka senyales na ito ng impeksyon.

GOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with