^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pangalanan, smugglers ng agricultural products

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pangalanan, smugglers ng agricultural products

Hanggang ngayon, patuloy ang smuggling ng agricultural products sa bansa na kinabibi­langan ng asukal, bigas, sibuyas, bawang, carrots at maaaring pati karne ng baboy at manok ay nakalusot na rin. Inaasahan na lalo pang magiging mabagsik ang smugglers ng mga gulay habang papalapit ang Pasko. Sa panahong ito buhay na buhay ang negosyo sa Pilipinas kaya maraming nagpupuslit ng kontrabando kakutsaba ang mga korap sa Bureau of Customs (BOC). Ang “ber” months ang sinasabing pagdagsa ng mga epektos­. Malaki ang natatalo sa gobyerno ng mga pinalulusot na kontrabando.

Sabi naman ng BOC, sinampahan na nila ng kaso ang 33 traders na sangkot sa smuggling ng agri products. Ayon sa BOC, ang 33 ang respon­sible sa smuggling ng gulay noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng P350 milyon. Kinasuhan umano ang 33 nang paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act sa pamamagitan ng Department of Justice (DOJ). Ayon sa BOC, ang mga nakumpis­kang kontrabando sa 33 traders ay may total du­tiable value na P251.61 milyon. Malaki umano ang nawawala sa pamahalaan dahil sa mga smuggler ng gulay at iba pa.

Sabi ni BOC Commissioner Yogi Felimon Ruiz na ipagpapatuloy nila ang kampanya laban sa smuggling sa pamamagitan ng profiling at pag-iinspeksiyon sa shipments at mga bodega. Ma­riing sinabi ng commissioner na hindi sila titigil hangga’t hindi napaparusahan ang 33 traders na sangkot sa smuggling ng gulay.

Kung talagang seryoso ang BOC sa pagsupil sa smugglers ng gulay, pangalanan sila. Nakapagtataka kung bakit ayaw ihayag sa publiko ang pangalan ng smugglers ng agri products. Bakit kailangang itago ang 33 salot na umaagaw sa kabuhayan ng mga local na magsasaka. Dahil sa smugglers ng gulay, maraming magsasaka ng gulay ang nagutom at naghihikahos ngayon.

AGRICULTURAL

SMUGGLER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with