^

PSN Opinyon

Suporta para sa mga batang ina

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Batay sa tala ng Commission on Population and Deve­lopment (POPCOM), nasa 2,411 batang babae na may edad 10 hanggang 14 taong gulang ang nanganak noong 2021. Ang bilang ay doble sa naitala ng POPCOM ukol sa teenage pregnancy noong 2000.

Kasabay ng paglobo ng bilang ng teenage pregnancy, umakyat din ang insidente ng gender-based violence, na sinabayan pa ng kakulangan sa access sa reproductive health services dahil sa pandemya.

Kaya naman minabuti ng ating pamahalaang lungsod na magsagawa ng summit na may pamagat na “Quezon City’s Teenage Pregnancy Summit: Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan.”

Tinipon natin sa Auditorium ng Don Alejandro Roces, Sr. Science and Technology High School ang 300 batang ina mula sa iba’t ibang lugar sa Quezon City para alamin ang kanilang kondisyon at pakinggan ang kanilang hinaing­.

Sa summit na ito, ibinahagi natin sa kanila ang mga kaalaman ukol sa gender-based violence, kahalagahan ng patuloy na pag-aaral, psycho-social health; responsible parenting at kabuhayan. Tiniyak din natin sa kanila na nari­riyan palagi ang pamahalaang lungsod upang ibigay ang kanilang mga pangangailangan at alalayan sila sa kanilang responsibilidad bilang ina.

Meron tayong libreng serbisyong medical sa health centers­ ng lungsod, kung saan may doktor sa bawat health center na tututok sa kanilang kalusugan, pati na ng kanilang mga anak.

Katuwang naman ang ating mga konsehal, gagawa tayo ng Ordinansa kung saan libre na ang multivitamins para sa kanilang mga anak. Sa ganitong paraan, masi­siguro na lalaking malusog ang bata.

Sa mga gusto namang makatapos ng pag-aaral, tutulu­ngan natin ang mga batang ina, pati na mga batang ama, sa pamamagitan ng pagbuo ng special education program. Kapag nakatapos sila ng pag-aaral, mas mabibigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang mga supling.

Mayroon din tayong programang pangkabuhayan sa mga batang ina na nais magsimula ng sariling negosyo. Bilang dagdag na tulong sa kanila, maglalagay tayo ng child-minding facility kung saan maaari nilang iwan ang kanilang mga anak habang inaasikaso ang negosyo o di kaya’y nag-aaral.

Sa kabila ng paghuhusga ng ilan sa mga batang ina, naniniwala ako na dapat silang bigyan ng ikalawang pagkakataon na makatayo at magpursige para magkaroon ng magandang buhay.

POPCOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with