^

PSN Opinyon

Daming nagtutulak ng ilegal na droga  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PINANGUNAHAN ng Philippine National Police at Dange­rous Drugs Board (DDB) ang pagdiriwang sa Drug Abuse Prevention and Control Week na may temang “Addressing Drug Challenges in Health and Humanitarian Crises” na ginanap sa Camp Crame, Quezon City kamakailan.

Kasabay sa padiriwang, sunud-sunod naman ang pag­lambat ng PNP sa mga big time drugs personalities. Nag­sasagawa ng buy bust operation ang PNP at marami na silang nasakote. Nagpapatunay lamang ito na hindi natutulog sa pansitan ang PNP. Lagi silang alerto at nakasubaybay sa galaw ng mga salot na drug traffickers.

Gaya na lamang nang kanilang lambatin ang mag-asawa sa Imus, Cavite sa isinagawang buy-bust operation. Nasa P254 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa mag-asawa na kinilala ni Cavite Police Provincial Director Col. Christopher  Olazo na sina Ali Sampulna, 38 at asawa nitong si Almira, 30.

Ang mag-asawa umano ay may online business ng iba’t ibang paninda, subalit ginagamit din nila sa pagtutulak ng droga. Ayon sa PNP, dalawang buwan nang nagbebenta ng ilegal na droga ang mag-asawa kaya nagsagawa na sila ng buy-bust operation sa mismong bahay ng mga suspek.

Unang nakipagtransakyon ang pulis na nagpanggap na buyer ng 1-kilong shabu. Kinagat agad ito ng mga sus­pek. Nang mag-abutan, doon na dinakip ang mga suspek. Sa kasalukuyan, himas rehas ang mag-asawang Sampulna makaraang sampahan ng paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act 2002.

Samantala, 20 katao naman ang inaresto ng Quezon City Police District sa ginawang police operation kamakalawa. Nasa P313 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek ayon kay QCPD director BGen. Nicolas Torre.

Pangunahing problema pa rin ang talamak na bentahan ng shabu sa maraming bahagi ng bansa kaya mahigpit itong pinatututukan ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin. Mahuhuli ang mga nagtutulak ng droga na ngayon ay lumi­linya sa online selling. Siguradong sa rehas na bakal ang inyong kahahantungan. Sana muling ipatupad ni Pres. Ferdinand  Marcos Jr. ang death penalty sa drug traffickers.

DRUG ABUSE PREVENTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with