^

PSN Opinyon

Mga benepisyo sa pagkain ng gulay at kamote

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Mahilig ba kayong kumain ng gulay? Para sa inyong kaalaman, napakaraming benepisyo sa pagkain ng gulay. Narito po ang mga iyon:

1. Para kumpleto sa bitamina – Ilan sa mga masustansyang gulay ay ang broccoli, cauliflower, kangkong, pechay, ampalaya, malunggay, spinach, talong, okra at talbos ng kamote.

2. Panlaban sa sakit – Ang gulay ay maganda ring panlaban sa sakit tulad ng sakit sa puso, high blood pressure, diabetes, at sakit sa tiyan.

3. Makaiiwas sa kanser – Ayon sa pagsusuri, ang pagkain ng sapat na gulay at prutas araw-araw ay makababawas sa pagkakaroon ng kanser ng 3 to 10%.

4. Para maging regular ang pagdumi – Mataas ito sa fiber na nagsisilbing walis na lumilinis sa ating bituka. Bawasan ang pagkain ng karne at taba na kulang sa fiber.

5. Panlaban sa stress – Ang gulay ay mataas sa vitamin B, na makatutulong sa ating ugat at makababawas sa stress.

***

Napakasustansiya ng kamote

Napakaraming benepisyo na makukuha mula sa pagkain ng kamote (sweet potato). Mabuti ito para sa puso, mata, tiyan, diabetes at nagpapapayat. Mura rin ito at mabibili sa buong taon.

Narito pa ang mga benepisyo sa pagkain ng kamote:

1. May beta-carotene or provitamin A para sa mata, puso, pagbabara ng ugat at kakulangan ng daloy ng dugo sa mga ugat ng puso, ulo, at sa immunity.

2. Nababagay ang kamote sa may diabetes dahil mababa sa glycemic index kaya dahan-dahang magpataas ng asukal sa dugo. Puwede rin sa mga atleta, may mabigat na trabaho o nagpapagaling sa may sakit.

3. Ang kamote ay bagay sa nagpapapayat dahil mababa sa calories, matagal na busog kaya hindi makakakain nang marami.

4. Merong protease inhibitor na maaring makatulong sa pag-iwas ng kanser.

5. Merong iron at vitamin C pinagsama na sa isang gulay.

6. Sa may kidneys stones, may calcium oxalate ang kamote kaya ingat na huwag maraming kainin.

7. Maganda sa tiyan ang kamote dahil tumutulong sa pagbuhay ng healthy bacteria tulad ng bifidobacterium at lactobacillus.

BITAMINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with