Tips para may lakas
Kung pakiramdam mo na lagi kang pagod at nanghihina, ilan sa mga dahilan nito ay stress sa trabaho, problema sa pamilya, at marami pang iba.
Gusto nating labanan ang pagod at panghihina. Narito ang ilang payo para makaroon ng lakas:
1. Pagkagising, bigyan ang sarili ng extra 15 minutos. Para magdasal, mag-stretching, at mag-isip o magmuni-muni.
2. Iplano ang gagawin sa maghapon, maari itong ilista.
3. Para may lakas, kumain ng kumpletong almusal gaya ng carbohydrates tulad ng tinapay o kanin. May protina rin sa itlog, tapa at manok. Samahan ng prutas tulad ng saging at mansanas. Iwasan ang matatamis.
4. Kung kayang maglakad o umakyat ng hagdan sa trabaho, gawin ito. Dahil ang exercise ay nagbibigay ng energy sa buong araw habang nasa trabaho. Puwedeng gumalaw-galaw din habang nakaupo o may ginagawa, para gumanda ang sirkulasyon ng dugo.
5. Sa trabaho, sundin ang inilista at maari nang gawin ng isa-isa at mag-focus. Isipin ang pinaka-importante at unahin ito. Ganoon din pag-uwi sa bahay.
6. Ayusin ang bahay para maging maganda ang nakikita. Maglagay ng maraming makukulay at kaakit-akit sa bahay dahil nagbibigay ito ng energy. Kapag maaliwalas ang nakikita, maaliwalas din ang pag-iisip.
7. Maligo bago matulog para presko ang pakiramdam.
8. Sa bawat gabi, humiga ng parehong oras para masanay ang katawan sa pagtulog. Puwede ang anim hanggang walong oras na tulog. Puwede rin makinig ng music para ma-relax.
9. Bigyan din ng bakasyon o ipasyal ang sarili kung matagal ng hindi nakakaalis.
10. Mag-isip ng magagandang bagay o positive thinking. At isiping magagawa mo ang mga bagay para may kumpiyansa sa sarili.
- Latest