Sobrang asin sa pagkain; Indigestion
Mahilig ka ba sa maaalat na pagkain? Ang sobrang asin sa pagkain ay nakapagpapataas ng blood pressure. Ang pagbawas naman ng asin sa diet ay nakakapagpababa ng blood pressure.
Dapat ay isang kutsaritang asin lang o mas konti pa ang makain ng isang tao bawat araw. Ang isang kutsaritang asin ay naglalaman ng 2.4 grams ng sodium.
Paano mababawasan ang asin sa ating pagkain?
1. Tanggalin ang asin, patis, toyo at bagoong sa hapag kainan. Sinasabi ko sa mga pasyente na puwedeng gamitin ang mga ito sa pagluluto para magkalasa ang pagkain pero pagdating sa mesa ay huwag nang dagdagan pa. Kung kaya, puwede ring gumamit ng herbs, kalamansi, o suka sa pagluluto.
2. Kumain ng sariwang isda kaysa mga isdang tinuyo o dinaing. Kumain din ng sariwang karne imbes na ham o bacon.
3. Umiwas sa mga canned goods dahil maaalat din ang mga ito.
4. Umiwas sa pagkain ng mga chips at instant noodles dahil marami rin itong sodium.
5. Magbasa ng nutrition label. Low salt na maituturing kung 0.3 g salt o 0.1 g sodium o mas mababa pa ang laman sa bawat 100 g ng pagkain.
***
Paano maiiwasan ang indigestion?
1. Kumain ng pakonti-konti ngunit mas madalas – Kumain ng mas maraming gulay at prutas. Nguyain ang pagkain ng mabuti at dahan-dahan.
2. Iwasan ang mga “trigger foods” – Ang karaniwang nagdudulot ng indigestion ay ang matataba at maaanghang na pagkain, soft drinks, kape, pag-inom ng alak at paninigarilyo.
3.Panatilihin ang tamang timbang – Ang sobrang timbang ay naglalagay ng pressure sa iyong sikmura at maaaring maging dahilan ng stomach acid para umakyat sa lalamunan.
4.Mag-ehersisyo nang madalas – Ang pag-ehersisyo ay malaking tulong para hindi tumaba at umayos ang iyong panunaw.
5.Limitahan ang stress – Magkaroon ng sapat na tulog. Maglaan ng oras sa mga bagay na gustong gawin. Maaari rin mag-meditate o mag-yoga.
- Latest