^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kung ubo nang ubo  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG ubo ay puwedeng dahil sa trangkaso, sipon, allergy, sigarilyo, pulmonya, namamagang tonsils at tuberculosis.

Sa mga sakit na ito, ang pulmonya at tonsillitis ay kina­kailangan ng antibiotics. Ang tuberculosis naman ay gina­gamot sa loob ng anim na buwan.

Subalit para sa pangkaraniwang sanhi ng ubo, heto ang mga nararapat gawin:

1. Uminom ng walo hanggang 10 basong tubig. Pinapalabnaw ng tubig ang madidikit na plema.

2. Uminom ng mainit na salabat o sabaw ng manok. Ang pag-inom ng mainit na sabaw ay nagpapaluwag ng mga tubo natin sa baga.

3. Itigil ang paninigarilyo. Umiwas sa mga bisyo.

4. Uminom ng Vitamin C para lumakas ang ating immune system.

5. Uminom ng tsa-a na may honey at lemon. Mabisa ang honey sa pagkalma ng naiiritang lalamunan. Ang lemon ay may vitamin C.

6. Umiwas sa nakaka-allergy na bagay. Maraming ubo ay allergy ang dahilan. Puwedeng magka-allergy sa usok, sa balahibo ng pusa at aso, sa matatapang na pabango, at sa pollen mula sa halaman.

7. Gamot para sa ubong may plema: Puwedeng uminom­ ng mga gamot tulad ng carbocisteine, ambroxol at lagundi­ para lumabnaw ang plema. Ngunit huwag ganoong umasa sa mga ito. Tubig pa rin ang mas mabisa.

8. Gamot para sa tuyong ubo: Para sa nakakaistorbong ubo, uminom ng butamirate citrate o dextromethorphan syrup. Kung allergy naman ang dahilan ng ubo, puwede and Diphenhydramine.

9. Ilabas ang sipon. Kung ika’y may sipon, suminga nang madalas para hindi tumulo ang sipon sa iyong lalamunan na puwedeng magdulot ng pag-ubo.

10. Umiwas sa mausok na lugar. Puwedeng sumakay sa mga air-con na bus at jeep. Huwag din gaanong maglakad sa lansangan. Umiwas sa mga taong naninigarilyo.

11. Lumanghap ng mainit at basang (moist) hangin. Pinapaluwag nito ang plema sa ating baga. Puwede ka ring manatili sa banyo kung saan dumadaloy ang mainit na shower o gripo. Ang usok nito ay nagpapalabnaw ng plema. Isa pang paraan ay ang paglanghap ng mainit na usok ng tubig sa ibabaw ng palanggana o kaldero.

12. Tingnan kung may iniinom kang gamot tulad ng Ace-inhibitor para sa altapresyon dahil puwede itong magdulot ng ubo. Ang Ace-inhibitor ay mga gamot na nagtatapos sa salitang “-pril,” tulad ng imidapril, enalapril, at iba pa. Itanong sa iyong doktor.

13. Gumamit ng dalawang unan sa gabi. Kung may allergy ka o sipon, makatutulong ang paghiga na medyo mataas ang iyong ulo.

14. Gamutin ang pangangasim na sikmura. Puwede ring magdulot ng pag-ubo ang asido na galing sa sikmura.

15. Magpabakuna laban sa flu at pulmonya kung ika’y lampas sa edad 60.

16. Umiwas sa sakit. Kung ika’y may mga sakit na, tulad ng altapresyon at diabetes, umiwas sa nakapapagod na gawain at pagpunta sa mausok na lugar.

17. Magpahinga at matulog nang mahaba. Ito ang pinakamabisang payo sa lahat para maka-recover ang iyong katawan. Good luck po.

TUBERCOLOSIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with