^

PSN Opinyon

Puwede ang monggo, okra at sitaw sa may gout

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Sa artikulong ito, tatalakayin ko ang tungkol sa gout at inin­terview ko si Doc Ging Zamora-Racaza, isang magaling na rheumatologist sa UP-PGH ukol dito.

Ang gout ay isang pangkaraniwang sakit. Ang sintomas ng gout ay ang matinding pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan ng mga daliri ng paa, bukung-bukong (ankle) at tuhod.

Para malaman kung gouty arthritis ang sakit, kailangan suriin ang uric acid sa isang blood test. Kapag mataas ang iyong uric acid sa dugo, puwede itong magbuo at pumunta sa iyong kasu-kasuan (joints). Sobrang sakit ang pakiram­dam sa gout.

Heto ang payo:

1. Kapag mainit ang panahon o dehydrated ang katawan, mas nagbubuo ang uric acid sa joints na sumasakit sa gout.

2. May tulong ang pag-inom ng 8-10 basong tubig sa gout. Ito ay dahil mas naaalis ang uric acid crystals sa katawan.

3. Ang alak, karne at laman loob ang nagpapalala ng gout. Masama rin sa gout ang matatamis at maaalat na pagkain.

4. Mali ang paniniwala na masama sa gout ang mga gulay tulad ng monggo, okra, sitaw at kamatis. Ang mga gulay ay gawa sa vegetable protein na mabuti sa katawan. Mas madaling maalis ang vegetable protein sa katawan kumpara sa karne.

5. Ang bawal sa gout ay ang animal protein tulad ng karne at laman loob.

Ano ang gamutan?

1. Kapag inatake na ng gout, hindi na sapat ang pagdidiyeta sa pagkain lamang. Kailangan ng maintenance na gamot para bumaba ang iyong uric acid levels sa dugo. Nagrereseta ang doktor ng Allopurinol o Febuxostat para sa gout.

2. Sa oras ng pagsumpong ng gout, nagbibigay kami ng Colchicine tablets, 4 na beses sa maghapon. Puwedeng uminom ng Mefenamic Acid din para sa kirot.

Magpa-check-up sa inyong doktor.

***

Mga benepisyo sa paggamit ng kulambo

Gumagamit ka ba ng kulambo? Kung hindi pa, puwede n’yo itong subukan dahil sa mga benepisyo nito.

1. Ang kulambo ay ginagamit upang harangin ang mga insekto at hayop tulad ng lamok, langaw, ipis, daga at kulisap.

2. Ang kagat ng lamok na nagdadala ng maraming sakit tulad ng dengue, malaria, Japanese encephalitis at iba pa. Nakamamatay itong mga sakit.

3. Sa gumagamit ng electric fan o air condition, may tulong din ang kulambo para hindi direkta na tumatama ang hangin sa mukha. Puwede kasi magdulot ng sore throat at panunuyo ng lalamunan kapag nakatapat sa hangin. Sa akin, pinapatungan ko pa ng manipis na tela ang ibabaw ng kulambo para pang-harang sa direktang hangin sa bibig.

4. Minsan may aksidente pa na mahuhulog ang ilaw o dumi mula sa kisame. Kahit papaano, makahaharang din ang kulambo.

5. Sa mga lugar na may malaria, may mga kulambo na may kasama nang insecticide. Ginagamit ito sa Africa at sa lugar na may malaria.

Maraming klase ang kulambo. Piliin ang angkot at nababagay sa inyo.

GOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with