^

PSN Opinyon

World Pitmaster Cup ni Atong Ang, full blast na sa Nobyembre 5!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAPAGLALANGAN na naman ang gobyerno ni President­ Bongbong Marcos sa pagkahuli ng pulisya sa anim katao na tumataya sa online sabong sa Pasig. Sa report ni Brig. Gen. Joel Doria ng PNP Anti-Cyber Crime Group (ACG), ang anim ay naaktuhan na tumataya sa online sabong gamit ang celfone ng isang Julius Francisco. Ang mga suspects mga kosa ay mga STL bet collectors subalit mahilig talaga sa sugal dahil pati online sabong ay pinatulan.

Nakatingin lahat ng mga kosa kong sabong afficionados sa e-sabong ng gambling lord na si Charlie “Atong” Ang dahil ang Lucky 8 Star Quest Inc., ang kompanya niya lang ang nakabukas dahil sa permit na ibinigay ng Games and Amusement Board OIC Atty. Ermar Benitez.

Kaya ko naman nasabing napaikutan na naman ang gob­yerno ni BBM dahil nakalagay sa GAB permit na ang tayaan­ ay sa Off-Cock Betting Station (OCBS) lang subalit napa­lusutan pa sila ng tayaan sa celfone. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kapag sa OCBS kasi ang tayaan, abaaaaa kaltas ka­agad ang tax at diretso ito sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Subalit kapag gumamit na ng celfone ang mananaya, kahit mag-tumbling pa ang gobyerno ni BBM, hindi nila mamo-monitor ang taya kaya talo ang gobyerno dahil wala silang masingil na tax. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya’t ito ang magiging daya ng online sabong sa gob­yerno. Siyempre, maraming gimik sa katawan si Ang at hindi niya aaminin na ang online sabong ay kanya at presto...igigiit niya na talagang sinusunod nila ang GAB permit.

Sa totoo lang, laking kalye si Ang at sa katunayan advance palaging mag-isip pagdating sa sugal kaya hindi ito “pahuhuli nang buhay” kung e-sabong ang pag-uusapan, di ba mga kosa? Tumpak! Hehehe!

Inaabangan na ng mga sabong afficionado ang full blast operation ng World Pitmaster Cup (WPC) sa Nobyembre 5. Dipugaaaaa!

Calling Sen. Imee Marcos, Sen. Bato dela Rosa et al, bakit tahimik kayo sa pagbubukas ng WPC ni Ang saman­talang sobrang ingay n’yo sa kaso ng 34 missing sabungeros? Sobrang busy ba kayo sa inyong trabaho at nawaglit na sa isipan n’yo ang e-sabong ni Ang?

Maging si Justice Sec. Boying Remulla na dating ayaw din sa e-sabong ay nagbisi-bisihan sa kaso ng pinaslang na columnist at commentator na si Percy Lapid o Percival Mabasa sa tunay na buhay. Dipugaaaaa!

Nakakabingi ang katahimikan ng ating mga senador at DOJ secretary dito sa pagbabalik ng e-sabong ni Ang. Ano ba ‘yan? Abangan!

ATONG ANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with