M/Sgt. Mayo, nasa ‘drug watchlist’ ni Digong?
MARAMING Pinoy ang naniniwala na may mas mataas pang opisyal ng PNP na nakasawsaw sa kaso ni M/Sgt. Rodolfo Mayo Jr., na nakumpiskahan ng 990 kilos ng shabu sa Maynila. Walang naniniwala sa mga kosa ko na mag-isa lang si Mayo sa malakihang ilegal na negosyo niya. Mismooooo, di ba mga kosa? ‘Ika nga, small fry lang si Mayo.
Lumalabas kasi sa initial investigation na si Mayo ang umupa ng dalawang kuwarto na MPD lending firm sa Abad Santos Street. Hindi pa alam kung nakapangalan sa kanya ang Mitsubishi Montero (WIW 994) na gamit niya sa pagbebenta ng droga. May nagdidirekta kayang opisyal ng PNP kay Mayo? Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Si Mayo ay naka-assign sa Special Operating Unit (SOU)-National Capital Region (NCR) ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at ang hepe niya ay si Lt. Col. Arnulfo Ibañez, na naka-schooling sa kasalukuyan ng Office Senior Executive Course (OSEC). Eh di wow! May napuna ka na ba sa kaso Sen. Bato dela Rosa Sir? Dipugaaaaa!
Hindi lang naman si Mayo ang inaresto ng raiding PDEG team kundi maging si Ney Atadero, ang caretaker/cook ng establisimento, Tagalinis din si Atadero ng lugar kung saan sumusuweldo siya ng P7,000 kada buwan. Sa initial investigation, lumabas na hindi alam ni Atadero ang stash ng shabu na matatagpuan sa second floor ng inuupahang building. Araguuyyyyy! Subalit baka maiba ang ihip ng hangin at si Atadero ay makasuhan na kasabwat ni Mayo sa kanyang illegal drug business. Puwede, di ba Interior Sec. Benhur Abalos Sir? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan. Dipugaaaaa!
Sa kanyang personal data sheet (PDS), lumabas na si Mayo ay naka-assign sa Station 3 ng Manila Police District noong July 20, 2009. Sa panahon ni ex-President Digong, si Mayo ay naitapon sa Police Regional Office ARMM ng February 17, 2017. Hindi lang ‘yan, itinapon din siya sa Basilan Police Provincial Office noong Marso 3, ng taon ding ‘yun. Sa pagkatanda ko, sa panahon na ito ni Digong itinapon sa Mindanao ang mga pulis na nasa “drug watchlist,” di ba Sen. Bato Sir? Di pa mabatid kung kasama sa listahan ng “drug watchlist” si Mayo. Dipugaaaaa!
Mula February 5 hanggang February 13, 2020, si Mayo ay na-assign sa Office of the Chief of the Philippine National Police bago siya ma-transfer sa Bicol o PRO5 noong May 22, 2020. Halos dalawang linggo lang si Mayo sa Bicol dahil pagka-Hunyo 3, may order siya sa PDEG. At dun na sila nagsama ni Ibañez sa SOU-NCR. Eh di wow! Wala lang available records mga kosa kung anu-ano ang accomplishments ng SOU-NCR ni Ibañez sa illegal drugs na kasama si Mayo. Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa? Si Mayo ay nasa custodial center na ng PNP kung saan nakakulong si Sen. Leila de Lima. Mismooooo! Abangan!
- Latest