^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bawiin, bilyones na binayad sa chopper deal

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bawiin, bilyones na binayad sa chopper deal

Mukhang nagkakalimutan na sa P12.7 bilyong helicopter deal sa Russia na pinasok ng ­dating gobyerno. Puwede naman daw bawiin ito ng kasalukuyang pamahalaan pero nakapagtatakang wala nang marinig ukol dito. Ang naririnig ngayon ay aangkat daw ang Pilipinas ng langis at arina sa Russia. Di ba mas maganda kung uunahing ipursigi ang pagbawi sa bilyones na ibinayad bilang downpayment sa 16 na Mi-17 helicopters?

Naging kumpiyansa ang dating Duterte administration at agad pumasok sa deal noong Enero 2022. Ura-uradang nag-down ng P2-bilyon ang Pilipinas na hindi muna inalam kung may mga problemang kahaharapin sa pagpasok sa deal. Idedeliber sana ang unang batch ng helicopters sa 2023.

Pero hindi na matutuloy ang deal sapagkat mismong si Duterte ang umatras sa pagbili ng mga helicopter. Ayon sa report, iniutos ng dating presidente na i-scrapped ang deal. Pinayuhan umano si Duterte ni dating Finance secretary Carlos Dominguez na posibleng maharap sa sanctions na ipapataw ng United States kapag itinuloy ang deal sa Russia.

Ayon kay Dominguez, kabilang sa sanctions na ipapataw ay ang pag-freeze ng mga bank accounts ng Pilipinas sa abroad at ang pagpigil sa remittances ng mga Pilipino mula sa U.S. patungong Pilipinas.

Ang pag-scrapped sa deal ay kinumpirma ni ­dating Defense Secretary Delfin Lorenzana, ngayon ay pinuno ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Ayon kay Lorenzana, kinansela na nila ang chopper deal noong Hunyo 25, 2022, Isa si Lorenzana sa signatory ng kontrata.

Ang nakadidismayang sinabi ni Lorenzana ay hindi niya alam kung mababawi pa ng Pilipinas ang P2 bilyon sa Russia. Mukhang mahirap na raw mabawi dahil ang Pilipinas ang umatras sa deal. Mahaba-haba umanong negosasyon ang kakailanganin para mapapayag ang Russian government na ibalik ang pera.

Sikapin ng kasalukuyang pamahalaan na mabawi ang bilyones. Hindi biro ang halagang yun. Mara­ming mahihirap ang matutulungan lalo pa’t ngayon ay gulapay na sa kahirapan ang karamihan sa mga Pilipino dahil sa nararanasang inflation. Patuloy ang pagtaas ng petrolyo at patuloy na pagbaba ng peso laban sa dolyar. Gumawa ng paraan ang pamahalaan ukol sa problemang ito.

HELICOPTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with