Nilagang kamote napakasustansiya
Napakaraming benepisyo na makukuha mula sa pagkain ng kamote (sweet potato). Mabuti ito para sa puso, mata, tiyan, diabetes at nagpapapayat. Mura rin ito at mabibili sa buong taon.
1. May beta-carotene or provitamin A para sa mata, puso, pagbabara ng ugat at kakulangan ng daloy ng dugo sa mga ugat ng puso at ulo, at sa immunity.
2. Nababagay ang kamote sa may diabetes dahil mababa sa glycemic index kaya dahan-dahang magpataas ng asukal sa dugo. Puwede rin sa mga atleta, may mabigat na trabaho o nagpapagaling na may sakit.
3. Ang kamote ay bagay sa nagpapapayat dahil mababa sa calories, matagal na busog kaya hindi ka makakakain nang marami.
4. Merong protease inhibitor na maaring makatulong sa pag-iwas ng kanser.
5. Merong iron at vitamin C pinagsama na sa isang gulay.
6. Sa may kidneys stones, may calcium oxalate ang kamote kaya ingat na huwag maraming kainin.
7. Maganda sa tiyan ang kamote dahil tumutulong sa pagbuhay ng healthy bacteria sa tiyan tulad ng Bifidobacterium at Lactobacillus na bagay sa makulo ang tiyan at pagtatae.
- Latest