^

PSN Opinyon

Luke-ing good!

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Si Lucas P. Bersamin ang bagong Executive Secretary.

Hindi na kailangang magpakilala ni ES Bersamin. Ang kanyang pinakahuling puwestong hinawakan ay bilang Chairman of the Board ng Government Service Insurance System. Pinakatanyag niyang katungkulan, siyempre, ay bilang mismong pinuno ng Hudikatura sa bansa. Mula November 26, 2018 – October 18, 2019, si ES Bersamin ang nagsilbing Chief Justice (CJ) ng Korte Suprema.

Bilang CJ, namayagpag si ES Bersamin sa pagsulong ng reporma sa mga hukuman. Hinirang na extraordinary leadership ang kanyang ipinamalas. Naalala ko pa kung paano niya sinampolan ang mga huwes sa Abra. Sa Hudikatura, pahirapan ang pagdisiplina sa kapwa huwes. Sa kabila nito ay hindi nag-atubili si ES noong siya ang naging Chief. Suspendido agad ang kanyang mga kababayan. Paano namang hindi mangangatog ang mga dapat parusahan?

Maliban dito, ang ilan pang mahalagang reporma ni CJ ay sa larangan ng legal education. Una na ang pormalisasyon ng clinical legal education sa mga law school. Dati’y pawang teorya lang ang tinuturo sa classroom. Naging itong mas konkreto para sa mga estudyante na mapagitna sa aktuwal na kaso at karanasan sa lansa­ngan.

Iba pa ang mga hakbanging administratibo sa kanyang malawak na karanasan bilang mahistrado. Marami siyang desisyong sinulat—ilan dito ay nauwi sa matinding pagsuri kabilang na ang acquittal ni dating Pangulong Gloria M. Arroyo at ang pagbigay ng piyansa kay dating Senate President Juan Ponce-Enrile sa plunder cases.

Sa ngayon, ang desisyon niya na nag-uugat sa masusing paghimay ay ang Mandanas vs Executive Secretary. Alam natin na ito ang hatol ng Mataas na Hukuman na palawakin pa ang pinagkukunan ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga pamahalaang lokal. Nagkakandarapa ang mga ingat yaman na kung papaano ipatutupad ang mando ng Mandanas gayong nagkakaipitan sa pera.

Si CJ-ES Bersamin ay hindi basta-basta lingkod bayan. Sa Hudikatura man nagmatrikula, hindi matawaran ang kanyang kakayahang administratibo at ang pagpapahalaga niya sa anumang katungkulan mahawakan.

LUCAS P. BERSAMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with