Free hand technique training kay BITAG!
Pagtulong sa kapwa na may puso, ‘yan ang tatak ng public service meron ang mga TULFO.
Astig, barumbado at mayabang kung ilarawan kami ng ilan. Subalit mula sa henerasyon ng aming ama, sinundan ng aking Kuya Mon, hanggang sa aming magkakapatid na sina Tol Raffy, Erwin at Ben, nasa puso na ang pagtulong namin sa kapwa.
Kung may mga pendeho’t kolokoy na inirereklamo at bumabastos ng aming pangalan, may kalalagyan ‘yan.
Ang lagay, kayo na ang mga dorobo, kayo pa ang may tigas ng apog na bastusin at paglaruan ang apelyidong TULFO.
Not under my watch!
May mag-amang dealer diyan sa Pampanga na nagbebenta ng flooded cars. Nang mabalitaang lalapit sa BITAG ang mga biktima, nagmalaki’t nanakot pa. Isasampal pa raw kaming mag-uutol sa mukha ng nagrereklamo. Aba kita mo nga naman ano, ang tapang kapag hindi kami kaharap.
Ang tanong, ganito rin kaya sila katapang kapag kaharap na ako o isa sa mga utol ko?
Para alamin sana ang katotohanan ng sumbong, sinubukan kong tawagan ang mag-ama. Kaso mo, makailang beses ko silang tinawagan live sa aming programa, hindi naman sumasagot.
Gusto ko sana silang makausap at magkaroon ng pagkakataong maturuan ko sila ng tamang teknik ng paghampas, free one on one training with BITAG himself, off-cam.
Kaya paalala naman sa publiko ng isang eksperto, ‘wag nang bumili ng mga kotseng may problema sa papeles o makina mismo. Hindi na raw dapat binubuo pa ang mga sasakyang nabaha na.
Para sa mag-ama naman na inirereklamo, hindi muna ako maniniwala sa reklamo ng mga biktima, hihintayin ko ang pagsagot n’yo sa tawag ko, wag n’yo lang masyadong tagalan at minsan mainipin ako.
Saan ko kaya kayo ililista muna, sa listahan ng kaibigan o mga kaaway ko?
- Latest