^

PSN Opinyon

Maging micro-entrepreneur sa ‘Ate Maki’s Jolly Carts’

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Isa sa mga pinaghuhugutan ko ng lakas at inspirasyon sa araw-araw ay ang mga kuwento ng pagbangon at tagumpay dito sa Makati. Bukod sa mga matatagumpay na negosyo at maipagmamalaking ventures na hinahangaan sa ibang bansa, espesyal sa akin ang kwento ng mga ordi­naryong tao dito sa lungsod.

Kung matatandaan ninyo, naglunsad kami ng progra­mang “Ate Maki’s Jolly Carts” noong March at June. Meron nang 91 vendors na naapbrubahan at nakakuha na ng kanilang jolly carts.

Sa programa na ito, may lease-to-own agreement ang mga vendor sa amin para sa kanilang carts. Maghuhulog sila ng P20 sa loob ng tatlong taon, pagkatapos ay sa kanila na ang carts. Tuluy-tuloy din ang suportang aming ibinibigay sa kanila. Pinaglaanan namin sila ng maayos na pwesto kung saan sila magtitinda araw-araw. At dahil sila ay lisensyado at opisyal na jolly carts ang kanilang dala, hindi sila matatakot na sila ay huhulihin o papaalisin sa kanilang pwesto.

Siyempre, kailangang doon lamang sila sa tamang lugar na assigned sa kanila. Kapag hindi ay maaari silang sitahin dahil magiging obstruction sila sa mga daanan at kal­sada. Kailangan din na regular silang magre-renew ng kanilang permits to operate at health and sanitation permits para masigurong malinis at de-kalidad ang kanilang inilalakong paninda. Marami nang buhay na nabago ang simpleng Ate Maki’s Jolly Carts natin. Isi-share ko sa inyo ang ilang kuwentong malapit sa aking puso.

Si Dennis Santos ng Barangay La Paz ay nagtitinda ng prutas sa kanyang cart. Ang sabi nya, simula nang sa pormado at astig na cart sya nagbebenta ng prutas ay mas maraming bumibili sa kanya. Ang assigned area niya ay sa Barangay Poblacion at karamihan ng kanyang mga suki ay mga residente at empleyado ng Makati City Hall.

Si Irene Chavez ng Barangay Rizal naman ay nagtitinda­ ng buko juice sa harap ng City Hall. Ang sabi nya ay naita­tawid ng kanyang pagtitinda ang pangangailangan ng kanyang pamilya, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Para sa 68-year-old na si Romeo Moran naman, panibagong pag-asa sa buhay ang hatid ng kanyang Jolly Cart. Dating taxi driver si Mang Romeo, pero dahil hirap na syang magmaneho ay nag-apply sya para maging letihitimong Makatizen vendor. Nagtitinda sya ng siomai, siopao, at fried noodles sa harap ng kanilang bahay. Aba, bekenemen pwede kaming makatikim nyan Mang Romeo…

Tatlo lamang sila sa maraming Makatizen na araw-araw lumalaban at hinaharap ang hamon ng buhay. Mahirap ngunit napakasipag at matapang na kumikilos para makamit ang mga simpleng pangarap para sa kanilang pamilya. Sa totoo lang, mas gusto kong tawagin silang ‘‘micro-entrepreneurs’’ kaysa street vendors. Para sa akin mas naiaangat at tumataas ang tingin nila sa kanilang mga sarili sa ganitong bansag. Ito naman talaga ang layunin namin, ang maging proud sila sa kanilang negosyo at angkinin nila ito ng buong-buo.

Para isa iba pang gustong maging ‘‘micro-entrepreneur’’, bukas ang opisina ng Makati Economic Enterprise Management Office para tulungan kayong ma-achieve din ang inyong pangarap na magkaroon ng sariling negosyo. Katulad ng lagi kong sinasabi, dito sa Makati, walang maiiwanan. Lahat tayo ay sabay na aangat at tatamasa ng ating mga pinaghirapan. God bless sa inyong lahat!

CARTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with