^

PSN Opinyon

Hinintay ang hustisya

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Si Orlando ay inakusahan ng rape dahil sa sapilitan at puwersahan niyang pagsasamantala kay Annie, 14, gamit ang dahas, pananakot at lakas sa paraan na pinababa ang dignidad at pagkatao. Sadyang napinsala ang dignidad ni Annie at humadlang sa maayos niyang paglaki. Natakasan ni Orlando ang mga pulis sa loob ng apat na taon. Pero bandang huli ay kalaboso pa rin siya at todo tanggi rin sa kanyang ginawa.

Sa paglilitis, ginawang testigo ng prosekusyon si Annie at nagsalaysay siya sa nangyari may apat na taon na ang nakararaan. Bandang ika-pito ng gabi raw noon ay nakasakay na sila sa traysikel kasama ang kapatid na si Berna. Galing sila sa palengke at pauwi na noon nang huminto sa harap nila ang trysikel na minamaneho ni Orlando. Nakasakay sa trysikel si Orlando at kapatid nito na si Minda.

Pinauwi na muna si Berna dahil may sasabihin pa raw sila kay Annie na importante. Ayaw pumayag ni Annie samantalang si Berna naman ay natakot at tumakbo pauwi para humingi ng tulong. Dahil sa nangyari ay sapi­litan na isinakay nina Orlando at Minda si Annie sa trysikel saka naglakbay papunta sa katabing barangay. Bago pa naka­rating doon ay bumaba na si Minda. Si Annie naman ay hindi makatakas dahil sa mabilis na pagpapaandar ni Orlando sa traysikel.

Nang makarating sa kabilang barangay, sapilitan na dinala ni Orlando si Annie sa liblib na lugar. Itinali ang mga kamay niya gamit ang lubid saka siya ibinagsak sa sahig. Hinubad ng lalaki ang pantalon at damit saka walang awang ginahasa si Annie kahit pa nasasaktan at umiiyak ang dalagita. Nang makatapos ay tinakot ni Orlando si Annie na huwag magsusumbong pero nang sumunod na araw ay agad na sinabi ng dalagita sa tiyahin ang nangyari sa kanya.

Isang doktor ang sumuri kay Annie at gumawa ng ulat. Tumestigo ang doktor na base sa kanyang pagsusuri ay talagang inabuso at pinagsamantalahan si Annie.

Itinanggi ni Orlando ang paratang at inilahad na noong naganap ang insidente ay nasa palengke siya at naghihintay daw kay Annie na girlfriend nito. Nang sumakay daw si Annie sa trysikel kasama si Minda ay ibinaba niya ang dalawa sa kani-kanilang bahay at nakita pa mismo ng lola niya si Annie. Matapos noon ay pumasada ang lalaki buong gabi at nagsakay sa mga pasahero. Nang iparada niya ang traysikel sa harap ng simbahan ay lumapit ang mga pulis at inaresto siya. Sumunod na lumapit si Annie at lola nito sabay pinagsasampal siya. Nang ipaalam sa kanya na kinakasuhan siya dahil pinagsamantalahan niya ang dalagita ay tigas na pagtanggi nito. Maraming beses na raw may nangyari sa kanila ni Annie at pumayag ang babae dahil limang buwan na silang magkarelasyon sabay matagal na silang magkakilala dahil magkapitbahay nga.

Napatunayan ng RTC na walang pag-aalinlangan na nagkasala si Orlando sa krimen ng rape. Ang pagtakas ni Orlando may apat na taon na ang nakakaraan mula sa pagsasampa ng impormasyon ay senyales na ginawa niya ang krimen. Idagdag pa na walang matibay na basehan ang sinasabing siyota niya si Annie o mas kilala sa ating batas na “sweetheart theory”. Si Orlando lang ang nagpahayag nito at walang matibay na ebidensiya na may relasyon ang dalawa. Pinarusahan ng habambuhay na pagkabilanggo o reclusion perpetua si Orlando at pinagbabayad ng danyos (P50,000 each-moral, exemplary & civil indemnity). Kinatigan ng Court of Appeals ang RTC. Ang testimonya raw ni Annie kasama ang ulat at pagsusuri ng doktor ay sapat para mahatulan si Orlando. Tama ba ang RTC at CA?

TAMA. Ayon sa Supreme Court, ang mga pag-aaral at konklusyon ng RTC na sinang-ayunan ng CA particular sa kredibilidad ng testigong si Annie ay dapat bigyan ng respeto dahil ang hukuman ang nasa tamang puwesto para kilatisin at suriin ang sinseridad at mabilis na pagsagot ng mga testigo base sa paraan nila ng pagsagot at pagkilos.

Ang ginawa ni Orlando na pagpipilit na sirain ang kredibilidad ng testimonya ni Annie dahil hindi raw humingi ng tulong o nagpumiglas ang babae ay walang halaga. Iba-iba ang paraan ng mga biktima sa pagharap sa pangyayari at hindi  lang isa ang dapat na maging kilos ng mga biktima sa sitwasyon na may magtangkang molestiyahin sila.  May sisigaw, may mahihimatay at may matutulala dahil sa trauma. Pero hindi ito dahilan para hindi sila paniwalaan na may nangyaring rape.  Ang krimen ay mapapatunayan base lang sa testimonya ng biktima basta ito ay natural, kapani-paniwala at ayon sa takbo ng pag-iisip ng tao.

Ang depensa ni Orlando ay hindi rin dapat bigyan ng halaga. Ang sweetheart theory na kesyo syota niya si Annie sa loob ng limang buwan at may anim na beses na raw na may nangyari sa kanila ay hindi naman kapani-paniwala lalo at walang dokumento o ebidensiya tulad ng mga regalo, litrato o memento na magpapatunay ditto. Malinaw na walang ebidensiyang hawak ang lalaki sa kanyang palusot.

Kaya kinampihan ng SC ang CA bagama’t binago nito ng kaunti ang desisyon. Napatunayan pa rin nang walang pag-aalinlangan na ginawa ni Orlando ang krimen ng rape at dapat parusahan ng reclusion perpetua pero ang danyos ay dapat na itaas at gawing P75,000 bawat isa (civil indemnity/moral damages/exemplary damages) People vs. Olpindo, G.R. 252861, February 15, 2022).

HUSTISYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with