^

PSN Opinyon

Serbisyong masigasig

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Matindi rin ang mga eksenang napapanood sa Senado at sa Kongreso hinggil sa: (1) pagprisinta ng budget ng mga ahensiya para sa taon 2023; at (2) sa mga kontrober­siya­ sa pamamahala na napilitang ungkatin ng ating mga kinatawan.

Ang turing sa ganitong pagmanman sa empleyado ng gobyerno ay ang power of oversight ng Kongreso. Hindi gaanong pamilyar sa madla ang kapangyarihan dahil hindi ito mababasa saanmang sulok ng Saligang Batas­. Alam natin na ibinahagi ang soberanyang awtoridad ng tao sa tatlong dakilang kagawaran—ang ehekutibo, lehis­latura at hudikatura. Hindi komo’t sila ay ipinaghiwalay ay magpatay-malisya na lamang sa kaganapan ng iba.

Itong separation of powers ay may kaakibat na prin­sipyo ng check and balance. Aasahan na ang kilos ng isa ay mababantayan ng kabila. Sa ganitong paraan, masi­­siguro nating walang makakalusot na pag-abuso ng kapang­yarihan. Mahahadlangan din ang pagsanib ng kapangyarihan sa iisang tao o institusyon, katulad ng mga kaharian ng unang­ panahon, na madalas nagiging daan para sa hindi demo­­kratikong pamamalakad.

Ang huhusay nitong batch ng mga kongresista sa pag­­himay ng mga budget ng iba’t ibang ahensya. Kahit sa youtube­ ay mapapanood ang mga footage ng mga ser­yoso, teknikal at pinag-aralang mga tanong na minsan ay maayos ding nasasagot ng mga kawani. Madalas ay may nanga­ngapa rin. Makikita natin na ang ganitong pagsuri ay nag­bibigay daan sa mas mabisa at episyenteng pagganap ng kanilang tungkulin.

May iba pang uri ng oversight na mas malalim ang pag­­hukay ng mga kinatawan, ‘di tulad ng sa budget kung saan ang mga inilatag lang ang pinagtutuunan ng pansin­. Sa legis­lative investigations ay maging ang mga naka­tagong impormasyon ay sinisinagan ng liwanag. Ganitong klase ang mga blue ribbon investigation ng Senado sa DepEd laptops at ang imbestigasyon ng mababang kapulungan sa Sugar Regulatory Administration importation.

Mapalad ang lahat itong pagbukas ng bagong administrasyon dahil naging masigasig ang makinarya ng gobyerno sa kanilang panunungkulan.

SENADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with