Zero tolerance
Malinaw pa sa sikat ng araw ang naging pahayag ng Santo Papa nitong nakaraan, “zero tolerance” laban sa mga pang-aabusong sekswal na kinasasangkutan ng mga miyembro ng Simbahang Katoliko.
Una, bubusina ho ako, I have nothing but high respect to the Catholic Church at sa iba pang denominasyong panrelihiyon. Ngunit gaano pa man kasensitibo ang isyu ng pang-aabuso, ito pa rin ang realidad at aktuwalidad ng lipunan.
Mula noon hanggang ngayon, walang puknat ang mga kaso ng pang-aabuso sa loob ng mga simbahan. Ang masaklap, kung minsan, pari at obispo ang nasa likod ng pang-aabuso.
Hindi lang simbahang Katoliko, maging ibang religious organization.
Mismong si Pope Francis, hindi tinanggi ang mga ganitong klaseng kaso, “I do not deny abuses. A single abuse would already be monstruous,” sabi ng Santo Papa sa isang interview. Ayon pa sa Papa, walang karapatang maging pari ang isang pari kung siya ay nasasangkot sa pang-aabusong sekswal.
Idinagdag pa ni Pope Francis, “A priest cannot continue being a priest if he is an aggressor. He cannot because he is either sick, or a criminal.”
Nalaman pa sa interview, sa Portugal daw, umabot na sa 400 related testimonies ang natanggap ng simbahan. Katunayan lang na laganap sa maraming bahagi ng mundo ang pang-aabusong sekswal.
Humingi ng tawad ang Santo Papa para sa mga biktima ng ganitong klaseng pang-aabuso.
Mga boss, walang puwang sa mundo ang mga sexual predators na miyembro pa ng isang denominasyong panrelihiyon.
Maliban sa pagkondena sa mga kasong ito, importanteng tulungan din ng simbahan ang mga biktima na magsampa ng kaso upang managot sa batas ang mga abusadong nagpapanggap lang na alagad ng simbahan.
- Latest