^

PSN Opinyon

Pakay ng China gawing komunista lahat ng tao

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TATLONG dekada namuno si Mao Zedong mula 1949 nang manalo ang Chinese Communist Party sa civil war. Saradong Marxist-Leninist siya. Pangarap ang “masaganang buhay” sa ilalim ng sosyalismo.

Nilunsad ni Mao ang Great Industrial Leap Forward nu’ng 1958-1960. Sapilitang pinalusaw ang mga kagami­tang bakal na pansaka para gawing makina sa pabrika. Bumagsak ang ani, nangagutom ang mamamayan, 45 milyon ang namatay.

Hindi nakuntento si Mao. Kailangan daw iisa ang pag-iisip sa ilalim ng diktaduryang proletaryo. Sa Proletarian­ Cultural Revolution nu’ng 1966-1976 kinulong sa re-education camps ang mga burgis, intelektwal, artista. Pinatay ang 20 milyong “ayaw magpa-reporma”.

Nu’ng mamatay si Mao, mabilis ginawang kapitalista ni Deng Xiaoping ang ekonomiya. Umunlad ang negosyo at teknolohiya. Naging world trade power at tagapagpa­utang ang China.

Nu’ng maupo si Xi Jinping mula 2012, ibinalik ang China­ sa landas ng sosyalismo. Pinatahimik at binawasan ng kita ang mga bilyonaryong tulad ni Jack Ma ng Ali Baba, Zhang Yiming ng TikTok, at Ma Huateng ng Tencent. Inobliga lahat ng mamamayan at kompanyang Chinese na palihim tumu­long sa CCP magmanman sa mainland at abroad.

Balik ang diktaduryang CCP pati sa demokratikong Hong Kong. Para iisa ang pag-iisip, minanmanan ang asal ng indibiduwal sa online.

Bawat kanto, tindahan at opisina ay may CCTV. Ang lumabag sa batas ay hindi maaring bumiyahe sa tren o eroplano, tumira sa siyudad, o i-enrol ang anak sa eskuwela. Gamit ang artificial intelligence, binubuntutan ang mga kritiko para ikulong.

Hinigpitan at ipinalista ang 300 milyong Kristiyano. Dapat aprubado ng CCP bago magtalaga ng obispong Katoliko. Dapat ding paaprubahan ang homily sa misa, pati ng Pro­testante at Evangelicals. Muling sinupil ang mga Muslim sa Xinjiang at Buddhists sa Tibet.

CIVIL WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with