^

PSN Opinyon

‘Ber’ month na

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Asahan na ang pagbibigat ng trapiko dahil sa kaliwa’t kanang sales sa mga malls maging sa Divisoria, kung saan maraming namimili ng mga pangdekorasyon sa nalalapit­ na kapaskuhan. Dagdag bigat ang pagbubukas ng face-to-face classes. Kaya asahan na ang mahabang oras sa biyahe at karagdagang gastos sa pamasahe kung wala kayong sasakyan. Sa mga may sasakyan, malaki ang maku­kunsumo ninyong gasolina dahil sa trapik. Sa bawat lugar na inyong pupuntahan, may kanya-kanyang ordinansa na ipinatutupad ang LGUs gaya ng no parking zone at iba pa na ipinatutupad ng traffic enforcers.

Sa Maynila ay dinarayo ang ang murang paninda sa Divisoria, Quiapo at Blumentritt. Sa pagpasok pa lang ng Avenida, Jose Abad Santos, Juan Luna, Quezon Boulevard, Dimasalang at España, asahan na masikip na trapiko.

Lahat nang paraan ay ginagawa ngayon ni Manila Mayor Honey Lacuna upang mapabuti ang trapiko, subalit­ marami talaga ang mga sasakyan at sidewalk vendors ang umuukupa sa kalye. Iyan ang dahilan kung bakit nag­sisikip ang trapiko. Kaya kung may dala kayong sasakyan sa pamimili, maghanda na kayo ng perang pam­payad sa parking. Iwasang mahatak ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang sasakyan n’yo, dahil malaki ang bayad.

Nawa’y maging malawak ang inyong isipan sa tuwina bago kayo magtungo sa Maynila. Iparada ang inyong sasakyan sa mga nakatalagang parking area na pina­nga­ngasiwaan ng MTPB upang makaiwas sa multa. Sigura­duhin lamang na naka-lock ang inyong mga sasakyan at huwag mag-iwan ng mahahalagang bagay.

Maraming kababayan ang kumakalam ang sikmura matapos na lumpuhin ng pandemya ang ekonomiya. Idagdag pa itong muling pagmamahal ng petrolyo. At maging ang artipisyal na kakulangan ng asukal, sibuyas na puti na sa hinala ng ating mambabatas hinu-hoard lang ng mga negosyante. Abangan!

BER MONTHS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with