Informant kay De Vera, tatanggap ng P2.5M reward!
TATANGGAP ng P2.5 milyon reward ang informant na ngumuso kay Adora Faye de Vera, na isang mataas of opisyal ng CPP/NPA, na naaresto sa Quezon City kamakailan. Ayon kay Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco, director ng Western Visayas police, sangkatutak na arrest warrants ni De Vera ang sa ngayon ay kanyang hawak.
Hindi naman madali ang pagkaaresto kay De Vera dahil ang armas lang ng mga tauhan ni Francisco ay lumang pics at address. Subalit dahil sa tiyaga at sipag ng mga operatiba niya, na pong din si De Vera at hayun biglang yaman ng informant na nagbigay ng pagkakilanlan at kinaroroonan niya. Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!
Ipinadala ni Francisco ang 3-man team sa Metro Manila para manmanan ang address na ibinigay ng informant sa Quezon City. Nakipag-coordinate ang tatlo kay MPD director Brig. Andre Dizon para sa karagdagang intel operatives at anim na araw ding minanmanan ang address ni De Vera, na hindi naman lumalabas ng bahay. Subalit gumawa ng paraan ang mga operatiba, gamit ang kung anu-anong disguise para mapasok ang bahay kung saan naaktuhan si De Vera at kasamang estudyante na nag-aaral ng law. Hindi na isinama sa presinto ang estudyante, subalit ipinasailalim siya ni Francisco sa masusing background investigation. Dipugaaaaa! Hak hak hak!
Gusto n’yo bang maging milyonaryo mga kosa? Ituro n’yo lang sa awtoridad ang mga lungga ng lider ng CPP/NPA. Hehehe! Walang kahirap-hirap eh. Tsaka nakatago pa kayo. Tumpak!
Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo “Junaz” Azurin, si De Vera ay staff officer ng general command ng CPP/NPA at secretary ng Central Front ng CPP regional committee Panay. Asawa umano ito ni Jessie Licura, alyas Ren, na member ng CPP/NPA Central Committee. Abaaaaa...big fish pala si De Vera, ano mga kosa? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Sa panahon kung saan nag-trending ang fake news na mga crime reports sa social media, si Francisco naman ay gumagawa ng accomplishments na panakip butas sa mga ito. Eh di wow!
Hindi lang ‘yan! Naaresto rin ng mga tauhan ni Francisco sina Angie Dumdumaya, alyas Tomboy, at kapatid na Angiel Dumdumaya, 25, at Mark Villaran, alyas Maco, 36, sa magkahiwalay na bust-bust operation sa Negros Occidental. Nakuha sa mga Dumdumaya ang 2,010 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P13 milyon, samantalang 1,112 gramo naman worth P7.5 milyon kay Villaran. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Itong mga «winners» sa reshuffle ni Azurin ay nagpakitang gilas kaagad na ikinataas ng imahe ng kapulisan. Mismooooo! Abangan!
- Latest