^

PSN Opinyon

Pagkamit ng Climate Justice sa QC

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Simula nang manungkulan ako bilang Vice Mayor, nakita ko na kung gaano katindi ang epekto ng pabagu-bagong klima sa ating lungsod. Halimbawa nito ang mabilis na pagtaas ng tubig baha pero matagal humupa. Nakaaapekto ito sa pamumuhay ng daan-daang residente. Ito ang nagmulat sa akin para magsagawa ng agarang aksyon para maagapan ang climate change.

Sa bisa ng City Resolution 7999-2019, nagdeklara ng Climate Emergency sa Quezon City. Ito ang sumuporta sa paglulunsad natin ng mga proyektong makakalikasan.

Bilang nag-iisang lungsod sa Pilipinas na bahagi ng C40 Cities, o grupo ng mahigit 100 lungsod sa mundo na naka­tuon sa pagbabawas ng epekto ng climate change, gusto nating ma­ging simula para sa iba pang lungsod na agad nang kumilos.

Taon 2019 nang sinimulan nating magpasa ng mga ordi­nansa, katuwang ang Sangguniang Panlungsod sa pangu­nguna ni Vice Mayor Gian Sotto na nagbabawal ng single-use plastic sa dine-in customers. At para matutukan ang mga programa para sa kalikasan, itinatag natin ang Climate Change and Environmental Sustainability Department. Ipinasok na rin natin ang environmental criteria sa ating procurement pro­cess sa tulong ng Green Public Procurement Ordinance.

Para magkaroon ng direksyon ang ating plano para sa pangangalaga sa kalikasan, binuo natin ang Enhanced Local Climate Change Action Plan for 2021-2050. Dito nakasaad lahat ng pangmatagalan na programa at solusyon para matugunan ang epekto ng global climate change nang hindi isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga mamamayan. Patuloy din ang ating pakikipag-partner sa organisasyon tulad ng C40 Cities, Clean Air Asia, at UK Government para sa pagsasakatuparan nito.

Tulad ng ibang krisis, masosolusyunan lang ang climate crisis sa pamamagitan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng iba-ibang sektor. Makakaasa kayo na magsisilbing lider ang Quezon City para matuldukan ang panganib na dulot ng problemang ito.

CLIMATE EMERGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with