^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa ‘smishing’ scam!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAGBABALA ang Philippine National Police sa mga Pinoy na maging mapagmatyag, mag-ingat at ‘wag kaagad maniwala sa mga text messages o e-mail na natatanggap para maiwasan ang tinatawag na “smishing” scams. Sa report ng Anticyber Crime Group (ACG), marami ng Pinoy ang napurnada ang pinaghirapan nilang pera matapos magkamaling makipag-transaction sa mga nagpadala sa kanila ng text messages o mensahe sa social media.

Ayon pa sa ACG, ang mga scammers o hackers ay nagsasamantala sa makabagong teknolohiya para maka­panloko ng kapwa. Kadalasan nagkukunyari ang mga ito na project managers at mag-offer ng work-from-home na trabaho na may sahod mula P3,000 hanggang P8,000 kada araw. Siyempre, ang mensahe ay may kasamang link na mag-direct sa inyo sa isang online messaging application. Mismooooo!

At kapag na click mo ang link na ito? Goodbye na lang sa ipon mong pitsa at mahirapan ka nang mabawi ito kapag na-withdraw na ang pera mo. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Maging ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay nabahala na sa raket na ito, di ba mga kosa? Tumpak!

Sinabi ng mga kosa ko na karamihan sa mga nabiktima ng raket na ito ay ‘yung mga Pinoy na naghahangad ng biglaang yaman o excited na kumita nang malakihan sa isang iglap. Kaya kapag nakatanggap sila ng text message o e-mail mula sa hindi kilalang celfon user na nag-o-offer ng promos, trabaho, investments at iba pa, abaaa napapalundag na sila sa tuwa. Mabilis maniwala ang mga Pinoy dahil uso na sa ngayon na ang mga kompanya ay nag-advertise ng kanilang produkto sa text message, e-mail at messaging apps.

Ang hindi alam ng mga Pinoy, kapag napindot nila ang link sa mensaheng natanggap nila, matic na makukuha ng scammers ang personal information nila, kabilang na ang password, account number, at social security number at maka-access sila sa inyong bank at iba pang accounts. Ang sistema ay tinatawag na “Budol-budol.” Mismooooo! Hak hak hak!

May magandang gamit din itong mga hi-tech na gadgets subalit nagagamit din pala ito sa panloloko kaya’t dapat maging vigilant tayo mga kosa. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan!

Marami pang estilo na ginagamit itong mga scammers na sa biglang tingin ay kapag sumali o pumasok ka sa negosyo o anupaman, abaaaa kikita ka ng limpak-limpak na salapi. Kaya paano makaiwas sa “smishing scam?” Ako man ay panay tanggap ng kung anu-anong mensahe na pagkakitaan sa text messages, at e-mail. Ang ginagawa ko, ay binubura ko agad ang mga mensahe kaya’t naiwasan kong maging biktima nila. Kaya gayahin n’yo na lang ang ginagawa ko mga kosa para pumuti man ang uwak ay hindi kikita ang scammers sa inyo. Get’s n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with