^

PSN Opinyon

BOC-NAIA at ang assessment summit  

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGSAGAWA ng assessment summit ang BOC-NAIA sa NAIA Customs House Conference Room sa Pasay City bilang bahagi ng pangako ng Bureau of Customs na pahusayin ang trade facilitation at palakasin ang revenue collection. Sabi nga, pinangunahan ito ni NAIA District Customs Collector Mimel Talusan.

Ang mga talakayan ay nakatuon sa pagpapabuti ng pagproseso ng mga entry at pangongolekta ng mga tamang duties and taxes. Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Talusan ang namumuno sa BOC-NAIA at kasama si Atty. Alex Gaticales, customs at trade consultant, ay dumalo sa pagpupulong kasama ang assessment unit chiefs at mga opisyal ng mga bodega at sub-port ng BOC-NAIA. Binigyang-diin ni Gaticales ang kahalagahan ng pagsubaybay sa mga transaksyon sa pag-import at pag-aaral kaugnay ng mga legal na desisyon.

Sa kanyang bahagi, ipinaliwanag ni Talusan ang kahalagahan ng pagrepaso sa mga proseso ng Port at idiniin ang panawagan ni PBBM  para sa mga ahensya ng gobyerno. Ika nga, embrace digitalization. Sinabi ni Talusan na ang BOC ay magpapatuloy sa pagpapatupad ng mga programang modernisasyon upang mangolekta ng duties and taxes habang pinapanatili ang seguridad sa hangganan.

* * *

Ang Air Asia, bow

Inilunsad ng Air Asia ang Cebu Hub reopening para sa kanilang direct flight ng domestic at international flight mula Cebu patungong Cagayan de Oro, Boracay, Davao, Manila, Puerto Princesa, Seoul, at Kuala Lumpur Malaysia. Ayon kay Air Asia Chief Executive officer Ricky Isla, simula na ito ng kanilang pagpapalawak sa domestic at international destination. Ayon pa kay Isla, 100% na silang nakakabawi sa domestic destination.

Ang Air Asia ay may apat na flight schedule a week mula Cebu patungong Cagayan de Oro. Tatlong flight kada linggo naman ang patungong Boracay. Apat na flight sa Davao weekly, mula Cebu, habang apat kada araw naman patungong Manila habang tatlong flight weekly sa Puerto Princesa. Binuksan na rin ang tatlong flight weekly sa Seoul Korea habang tatlong flight weekly naman sa Kuala Lumpur Malaysia.

BOC-NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with