Mike Defensor, sinita ni JPE sa pag-preside ng MMDA meeting!
Umikot sa social media ang isang litrato na nagpapakita kay Mike Defensor na mukhang nagsasagawa ng briefing sa mga nakapaligid sa kanya. Ang litrato ay may backdrop na logo ng Metropolitan Manila Development Authority na maaring ang meeting ay sa MMDA ginawa. Si Defensor na naka-itim na blazer at may hawak na mikropono na mukhang may binabasa sa dokumento sa harapan niya. Nasa tabi ni Defensor ang bagong hirang ni President Bongbong Marcos Jr. na MMDA chairman na si Engineer Carlo Antonio Dimayuga III. Sina Defensor at Dimayuga ay napaligiran ng mga lalaki at babae na maaring mga opisyales ng MMDA. Mismooooo! Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Marami ang nagsasabi na si Defensor ay nagbibigay ng kautusan sa mga MMDA officials. Ngeekkkk! Puwede ba ‘yun eh wala pang isang taon? Dipugaaaaa!
Ang picture sa social media ay hindi nakaligtas sa pansin ni Juan Ponce Enrile, ang Presidential Chief Legal Counsel. Sa kanyang Facebook page, nag-iwan nang maraming katanungan si Enrile. “What was Mike Defensor in that picture of official function of Metro Manila Development Authority that was published in social media? Was he an official, a consultant, an adviser, a factotum of some sort of MMDA? He was a candidate and loser in the last election wasn’t he? What was he? Is that now a proper decorum in our current political world? I suggest we should be very careful in not carelessly showing an arrogance of power in our behavior as public persons, especially if you are somewhat identified with the current regime. Please ladies and gentlemen be careful! The public is watching.” ‘Yan po mga kosa ang buod o laman ng FB page ni Enrile. Dipugaaaaa! Hak hak hak!
Masasabi kong sa edad niya bihasa na sa batas si Enrile at alam niyang may mali sa ikinikilos ni Defensor, na tumakbo sa pagka-mayor sa Quezon City noong May 9 subalit olats. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Eto pa ang dagdag mensahe ni Enrile. “Being the legal counsel of the President, I think I have a legal and moral duty to protect him from those who tend to take undue advantage of his kindness and their seeming closeness to him the Presiden(t).” Nagbanta si Enrile. “Please! Masyado naman kayo. Huwag naman. If you continue with that practice, I assure you, you will be clashing with my office. Stop it!!!! Dipugaaaaa! Hak hak hak! May kasagutan kaya si Defensor dito?
Sa isa pang FB post na may titulong “Arrogance of Power”, sinabi ni Enrile na hindi siya pabor sa presence ni Defensor sa mga naglalabasang pics n’ya sa official MMDA event. “Is that now the proper decorum in our political world,” ang tanong pa n’ya. “I suggest we should be very careful in not carelessly showing an arrogance of power in our behavior as public persons especially if we are somewhat identified with the current regime,” ang dagdag pa ni Enrile. Hak hak hak! Sapol si Defensor dito ah, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!
Sumang-ayon naman ang netizen na si Archie Hilario sa aksiyon ni Enrile. “You are correct Manong JPE. Delicadeza is the word.” Kung saan sumagot si Enrile na,: Sana igalang naman nila ang Presidente. Hwag siyang ilagay sa alanganin na situation. Please do not take advantage of the kindness of the President because of your lust for power.” Abangan!
- Latest