^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bawiin, binayad na P2 bilyon sa chopper deal

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bawiin, binayad na P2 bilyon sa chopper deal

Nagkamali ang Duterte administration sa pinasok na deal sa pagbili ng 16 na Mi-17 helicopters sa Russia noong nakaraang Enero 2022 na nagkakahalaga ng P12.7 bilyon. Agad-agad na nag-down ng P2-bilyon ang Pilipinas na hindi muna ina­lam kung may mga problemang kahaharapin sa pagpasok sa helicopter deal. Nakatakdang ideliber ang unang batch ng helicopters sa susunod na taon.

Pero hindi na matutuloy ang deal sapagkat si dating President Duterte umano ang umatras sa pagbili ng mga helicopter. Ayon sa report, iniutos ng dating presidente na i-scrapped ang deal. Pina­yuhan umano si Duterte ni dating Finance secretary Carlos Dominguez na posibleng maharap sa sanctions na ipapataw ng United States kapag itinuloy ang deal sa Russia.

Ayon kay Dominguez, kabilang sa sanctions na ipapataw ay ang pag-freeze ng mga bank accounts ng Pilipinas sa abroad at ang pagpigil sa remittances ng mga Pilipino mula sa U.S. patungong Pilipinas.

Ang pag-scrapped sa deal ay kinumpirma ni dating­ Defense Secretary Delfin Lorenzana, nga­yon ay pinuno ng Bases Conversion and Develop­ment Authority (BCDA). Ayon kay Lorenzana, tiner­­minate nila ang chopper deal noong Hunyo 25, 2022, limang araw bago bumaba sa puwesto si Duterte. Isa si Lorenzana sa signatory ng kontrata.

Ang nakadidismayang sinabi ni Lorenzana ay hindi niya alam kung mababawi pa ng Pilipinas ang pa­unang bayad na P2 bilyon sa Russia. Mukhang mahirap na raw mabawi dahil ang Pilipinas ang uma­tras sa deal. Mahaba-haba umanong negosas­yon ang kakailanganin para mapapayag ang Russian government na ibalik ang P2 bilyon.

Kailangang pagsikapang bawiin ang binayad na bilyones sa Russia. Hindi biro ang halagang iyon. Maraming mahihirap ang matutulungan lalo pa’t nga­yon ay salat na salat ang karamihan sa mga Pilipino dahil sa inflation. Hindi malaman ng kasalukuyang pamahalaan kung saan kukunin ang pang-ayuda sa mga naghihikahos na mamamayan. Pagsikapang bawiin ang ibinayad sa chopper deal. Gawin ang lahat nang paraan.

CHOPPER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with