^

PSN Opinyon

Noelle Promdi

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Pinag-Uusapan ngayon ang ginagawang black propaganda ng grupo Noelle Promdi para gibain si Executive Secretary Vic Rodriguez. Ang grupo ni Noelle Promdi ay nagpapakilalang power broker sa Malacañang. Ginagapang ng kanyang grupo na sirain ang programa ni Pres. Ferdinand Marcos Jr sa pagtatalaga ng mga bagong opisyales sa Cabinet.

Ayon sa report, noong nakalipas na May 9 election, ang grupo ni Noelle Promdi ay nagsipag-solicit para sa kandidatura ni Marcos Jr. Ipinagyayabang ni Noelle Promdi na nakarekta siya kay Marcos kaya lahat ng mga negosyante na gustong tumulong sa UniTeam noon ay hinihikayat niyang sa kanya ipadaan ang donasyon.

Isa sa hiningan nito ng pera ay isang negosyanteng Chinese sa Cavite na nakubrahan niya ng P50 milyon. Pina­ngakuan umano ni Noelle Promdi ang Chinese businessman na mababahagihan ito nang malaking projects kapag naupo na sa Malacañang si Marcos. Hindi naman kinumpirma ng kampo ni Marcos kung nakapagpasok ba ng donasyon o binulsa lamang ito.

Karamihan sa mga pinagyayabang ni Noelle Promdi ay mga puwesto sa pamahalaan na may juicy positions sa revenue-generating agencies tulad ng Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Land Transportation Office. Karamihan sa kanyang mga iniindorso ay naging opisyal ng pamahalaan na nagkaroon ng mga kaso.

Dahil sa napapahiya sa mga kinotongang negosyante at mga itinutulak niya sa puwesto, naglunsad si Noelle Promdi ng disinformation campaign laban kay Rodriguez. Hindi naman malinaw kung ang tinutukoy na Noelle Promdi ay ang sinibak ni dating President Duterte sa Bureau of Customs.

Kung may katotohanan, hindi ito dapat pagkatiwalaan sa administrasyon ni Marcos. Dapat hubaran ng maskara para hindi na pamarisan. Dapat masawata ito ng mga kina­uukulan.

BLACK PROPAGANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with