Mga sintomas ng premenstrual syndrome
Kung regular na nakararanas ng mga pisikal at emosyonal na sintomas bago ang regla, maaaring mayroong premenstrual syndrome (PMS). Ang sintomas ay may posibilidad na magpabalik-balik.
Ang PMS ay may kaugnayan sa normal na cycle ng hormone. Kadalasan, nawawala ang sintomas habang nagsisimula na ang regla.
Mga dahilan ng premenstrual syndrome:
1. Paulit-ulit na pagbabago sa hormones (Cyclic changes in hormones)
2. Pagbabago sa kemikal sa utak ay maaaring makapagpalabas ng sintomas.
3. Depresyon at stress
4. Pagpapalipas ng gutom. Ang ilan sa sintomas ng PMS ay konektado sa mababang lebel ng bitamina at mineral. Ang pagkain ng mga maaalat na pagkain at pag-inom ng alak o kape ay maaaring makapagpalala sa mga sintomas.
Mga sintomas ng premenstrual syndrome:
Pagbabagong emosyonal:
1. Malungkot na mood at pag-iyak
2. Iritable o galit
3. Tensiyon at pag-aalala
4. Pabagu-bagong mood
5. Nawawala sa konsentrasyon
6. Pananamlay
7. Mga pagbabago sa gana sa pagkain
8. Nahihirapan matulog
9. Ayaw makisalamuha sa tao
Pagbabagong pisikal:
1. Paglaki ng tiyan
2. Pagtaas ng timbang dahil sa retention fluid
3. Pamamaga ng kamay at paa
4. Masakit ang suso
5. Pananakit ng ulo
6. Pananakit ng kasu-kasuan at muscle
7. Pagtatae at pagtitibi
8. Pagod, pagduduwal at pagsusuka
- Latest