^

PSN Opinyon

Sino ang dapat sisihin sa Vape Law?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGHUGAS ba ng kamay pareho sina dating Presidente Duterte at kasalukuyang Presidente Bongbong Marcos Jr. sa pagiging batas ng kontrobersiyal na Vape Law? Sa mga nakaraan kong kolum, tulad nang marami nating kababayan, nagpahayag ako ng pagtutol sa bill na ito.

Ano man ang sabihin, ang paglanghap ng vape ay masamang bisyo tulad din ng yosi. Nag-uudyok ito sa mga kabataan na malulong sa bisyo. Pinapayagan ng batas ang mga kabataang 18-anyos na makabili ng vape.

Nagtataglay din ito ng nikotina na masama sa kalusugan. Mula nang mauso iyan, ilang taon na rin ang nakalilipas, nagsulputan ang mga vape stations o mga bar na hithitan nito. Ipinatigil pa nga iyan ng nakaraang admi­nistrasyon nang ipatupad ang batas laban sa smoking in public places.

Kung ang paninigarilyo ay nire-regulate na sa pama­magitan ng pagpapataw ng mataas na buwis at pagba­bawal sa cigarette advertisement, bakit niluluwagan nga­yon ang paggamit ng vape?

Kung agad na-veto ang bill ni dating President Duterte at kasalukuyang President Marcos bago ito nag-lapse into law, hindi sana ito naging batas. Pero hindi ito inak­syunan ng dalawang presidente at ayon sa batas, sa loob ng takdang panahon ay automatikong magiging batas ang isang bill kahit walang lagda ng presidente.

Kung hindi ito na-veto ni Duterte, sa maagang bahagi ng termino ni Marcos Jr. ito ay dapat ibinasura na niya sa pamamagitan ng pag-veto, pero hindi nangyari. Ewan ko lang pero maaaring na-overlook ito ni Marcos, Jr. sa rami ng mga dapat asikasuhin niya.

Water under the bridge.

VAPE LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with