^

PSN Opinyon

Food security ay kung labis ang ani at huli

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAWASAK nu’ng nakaraang tatlong taon ang sakahan, pag­hahayop, at pangisdaan. Kaya tinawag ang kagawaran na Destruction of Agriculture. Sa ngalan ng food security nagtodo-import ito ng bigas, mais, patuka, asukal, gulay, prutas, baboy, manok, at isda. Sinabayan pa ng smuggling sa Bureau of Cus-tong. Tumiba ang iilang importers at mga protektor.

Mali ang depinisyon nila ng food security. Para sa kanila, kapag bahain ng pagkain mula abroad ang mga palengke, kesyo tag-sagana na. Nagmura nga sandali ang presyo, pero may sakit ang mga karne at sinaksakan ng formalin ang isda, gulay at prutas mula China.

Ang totoong food security ay kung labis ang domestic na ani, huli at produksyon. Ang sobra ay mabo-bodega para sa panahon ng bagyo, tag-tuyot at sakuna. At ang matitira pa ay pang-export.

Mangyayari ‘yon kung todo ang pagtulong sa agrikultura. Patubig, punla, traktora, pataba, pestisidyo, bilaran, kis­kisan, bangka, motor, lambat, feeds, cold storage, sasak­yan at kalye. Tustusan ng gobyerno ang pagtuturo ng mga produktibong paraan. Ikonekta ang producers diretso sa palengke at mamimili. Protektahan ang dagat kontra sa dayuhan.

Damihan din ang binibili ng gobyerno mula sa magbubukid, maghahayop at mangingisda. Dagdagan ang pondo para dito. Sa ngayon 2% lang taun-taon ang binibiling palay at mais; iniaasa ang kalakal sa middlemen. Dahil mahal ang gasolina, nagtataas-presyo ang biyahero sa mga tindera sa palengke. Paabutin sana ng gobyerno sa 50% ang binibili. Mabebenta naman ito para muling makabili at mapaikot ang pondo.

Sa huli, gaganahan ang mga pamilya sa agrikultura dahil sa malaking kita. Babalik du’n ang college graduates, dala ang bagong kaalaman. Mumura ang pagkain. Sasagana, lulusog ang mamamayan.

Lalago ang koleksiyon ng buwis. Tatatag ang Republika.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

FOOD SECURITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with