^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag sayangin ang bakuna

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag sayangin ang bakuna

Mahigit 1.5 milyong doses ng bakuna ang mag-e-expire sa katapusan ng Hulyo. Sampung araw na lang at mawawalan na ng bisa ang mga ito. At kapag nangyari ito, malaking pera ang masa­sayang. Ang mga bakuna (AstraZeneca at Moderna) ay binili ng mga pribadong kompanya sa mahal na halaga. Ang AstraZeneca ay nagkakahalaga ng $5 bawat isang dose samantalang ang Moderna ay $27.

Sinabi ni Go Negosyo founder Joey Concepcion na nararapat gamitin ang bakuna kaysa hayaang ma-expire ang mga ito. Malaking pera ang masa­sayang at hindi rin biro ang pinagdaanang hirap ng mga pribadong kompanya para makabili ng bakuna. Mariing sinabi ni Concepcion na dapat ga­mitin bilang booster ang mga bakuna. Marami umano ang willing magpabakuna subalit ang mga awtoridad ang mabagal sa pagsasagawa. Hinimok ni Concepcion ang Health Technology Assesment­ Council (HTAC) na baguhin ang age limit ng bibig­yan ng ikalawang booster shot sa 50-59 anyos. Subalit hindi kumikilos ang Food and Drugs Administration (FDA). Sa United States pinayagan na ang pag­­babakuna para sa second booster sa mga may edad 50 pataas makaraan ang apat na buwan mula nang huling mabakunahan.

Sinabi kamakalawa ng Department of Health (DOH) na target nilang makapagbakuna ng 23 mil­yong Pilipino bago ang 100 araw ni President Marcos­ Jr. Ayon kay DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire, first booster shots ang kanilang ipagkakaloob sa mamamayan. Ang plano ay inihayag mismo sa pakikipag-meeting kay Marcos sa Mala­cañang. Nasa 50 milyong Pilipino umano ang nanga­­ngailangang ng first booster shots.

Kung ito ang plano, simulan na ang pagbabakuna­ habang hindi pa nae-expire ang mga bakuna. Huwag nang hintayin pang masayang ang mga bakuna na binili nang mahal. Tama si Concepcion na marami ang willing magpabakuna subalit mabagal kumilos­ ang DOH. Dagdagan sana ang pagsisikap na maka­pagbakuna nang mararami lalo’t umaakyat ang bilang ng mga nagkaka-infection.

HULYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with