^

PSN Opinyon

Sagradong Power Supply Agreement, bantayan ng ERC

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Mahalaga ang topic na  ito sa mga electric consu­mers lalo na sa panahon ng taghirap. May malaon nang kasunduan ang mga Generation Companies (GenCos) at Distribution Unit (DU)na Manila Electric Company (Meralco) upang manatiling mura ang elektrisidad. Ang Power Supply Agreement (PSA) ay tulad ng isang kasal. Sagrado at ‘di dapat baliin. Ito ang nagtatakda ng fixed rate ng kuryente.

Mapalad tayo at may mga power Generation Companies (GenCos)  na naninindigan sa kasunduan para hindi mahirapan ang mga subscribers. Ganyan din naman ang layunin ng Meralco, ang panatilihing abot-kaya ng taumbayan ang kuryente.

Kapag nalusaw ang kasunduan ay wala nang magtatakda ng fixed price sa singil ng generation cost at consumers ang magdurusa. Kaya saludo tayo sa First Gen, ACEN, SPPC, at SMEC sa kanilang pagiging tapat sa kasunduan. Ito ay pagmamalasakit sa ating mga kababayan. Bilang tagapangasiwa ng “kasalang” Meralco at GenCos, dapat bantayan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang integridad ng PSA.

Hindi naman forever ang Russian-Ukraine war na nagpapataas sa presyo ng krudong langis. Matatapos din iyan. Ang mga GenCos ay sumumpa at lumagda sa isang “kasal” na makikipagtulungan sa Meralco upang tiyaking hindi magdurusa ang mga consumers kahit pa sumirit ang presyo ng langis.

Ang Energy Regulatory Commission ang pinaka-pari sa kasalang ito. Sana ay huwag payagan ang “kasal” ay makalas. Malaki ang benepisyo nito sa mga mamamayan. Sabi nga ni President BBM, magkaisa tayo. Paano magkakaisa kung yung pinagbigkis na ng PSA ay paghihiwalayin pa?

Ang mahalaga ay manatiling tapat sa PSA ang mga GenCos at Meralco. Sa oras ng kagipitan, dapat manatiling tapat ang pagmamahalan. Hindi yung kasal lang sa oras ng sarap na malulusaw pagdating ng hirap.  Panawagan sa mga GenCos—sa hirap o ginhawa hanggang wakas, panindigan sana ang nilagdaang PSA.

MERALCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with