^

PSN Opinyon

Elepante sa utak: Makasariling isip

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAY kawikaang Ingles na “elephant in the room”. Ibig sabihin ay problema o maselang sitwasyon na kitang-kita pero ayaw pansinin. Pinamagatan nina Kevin Simler at Robin Hanson ang kanilang libro na “Elephant in the Brain”. Tungkol ito sa katotohanang itinatago ng tao sa iba—na lahat ng ginagawa at desisyon niya ay para sa sariling interes.

May makasariling motibo raw ang tao sa lahat ng aktibidad: panliligaw, pakikitungo sa iba, kawanggawa, pagtrato ng magulang at anak sa isa’t isa, pagsampalataya, pagboto, atbp. Pati mga institusyong itinatag mula sinaunang panahon ay may pansariling dahilan: gobyerno, batas, simbahan, esku­wela, opisina, negosyo, sining—lahat na.

Hindi lang pag-ibig kung bakit nanunuyo si binata at suma­­sagot si dalaga; may sex o pagnanasa sila. Hindi lang pag­­mamahal kaya dinidisiplina ni tatay si junior; may pa­ngamba siyang mapahiya o mapagastos kung magloko ito. Hindi nagdarasal dahil lang sa pagiging banal; may hini­hingi sa Diyos o may takot sa parusang impiyerno.

Kumakandidato sa halalan hindi lang para magsilbi; merong nangangalap ng poder, nagpapayaman sa puwesto, tinutuloy ang dynastiya o ambisyoso lang. Bumoboto hindi lang dahil sa paniniwala; may suhol o pakinabang—pabahay, kaayusan, kalusugan—na mahihita. Sa pagtatag ng NGO hindi lang pagtulong sa iba ang pakay; maaring gusto ring sumikat, kahangaan at purihin.

Pinag-aralan nina Simler at Hanson ang chimpanzees sa pagtulong sa isa’t isa. Nililinis ng mabangis na lider ang bala­hibo sa likod ng paboritong lalaking chimpanzee. Sa loob ng 30 minutos natatanggal ang mga kuto, libag at butlig. Pero 120 minutos ang tagal ng paglilinis. May kasama pang himas at masahe. Tapos tutumbasan ng katropang chimpanzee sa likod ng lider. May probetse sila sa isa’t isa.

Inakda nina Simler at Hanson ang aklat para raw mag­pasiklab sila ng talino. Hulaan n’yo kung ano ang motibo ko sa pag-ulat nito?

MAKASARILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with