^

PSN Opinyon

Midnight biddings ng DPWH sa Mt. Province, nangangamoy!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Noong nakaraang Hunyo 28-29, nagkaroon ng “midnight­ biddings” sa Mountain Province sa ilalim ng DPWH-CAR at umaali­ngasaw na ito ngayon. Umabot sa P1,832,076,440.46 ang infrastructure projects na napakadaling naipa-bid. Maraming naghihinala kung bakit napakabilis ng isinagawang bidding.

May hokus-pokus umano kaya napasakamay ng mga napiling contractors ang 11 rocknetting slope protection projects sa Mountain Province.

Dahil sa pag-alingasaw, hiniling ni anti-corruption activist Juniper Dominguez ng Sabangan, Mountain Province na magkaroon ng imbestigasyon sa napakabilis na bidding process.

Ayon kay Dominguez, una na raw kasing “naayos” ng mga contractor ang mga opisyales ng DPWH-CAR. Ayon pa sa corruption activist, mayroon umanong “fixing” na nangyari kaya mabilis ang bidding process.

Sa totoo lang, hindi naman masama ang mabilis na bidding process kung ang proyektong sangkot ay mag­du­dulot ng kapakinabangan sa mga taga-Mountain Province. Subalit lumalabas na walang mapapakinabang dito ang mga residente.

Maraming proyekto ang dapat unahin at hindi ang rocknetting projects na nagkakahalaga ng halos P2 bilyon. Ang mga proyekto sana na makatutulong sa mga magsasaka ng Mountain province ang dapat iprayoridad.

* * *

Para sa suhestiyon: art.dumlao@gmail.com

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->