^

PSN Opinyon

Bagong pag-asa

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Katulad ng inaasahan, tinuldukan kahapon ng Mataas na Hukuman ang anumang hamon sa pagkapanalo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM). Sa botong 13-0, na walang tumutol at may dalawang mi­yembrong hindi lumahok, pinasya na walang iregularidad na naganap sa kandidatura ni BBM.

Maaring magsampa pa rin ng Motion for Reconside­ration ang mga petitioner. Ito ay karapatan ng sinumang dumulog sa hukuman. Subalit sa ganyang unanimous na boto, malabo nang magbago pa ang isip ng mga mahis­trado.

Kung kaya wala nang natitirang balakid sa paninil­bihan ni BBM bilang ika-17 Presidente ng Pilipinas. Porma­lidad din lang naman ang desisyon ng Korte. Walang malawakang protesta na sumalubong sa resulta ng elek­syon­. Paano nga naman eh kung record breaking ang boto ni President BBM na mahigit doble ang lamang sa segunda; at hinigitan pa ng kanyang total ang pinagsamang boto ng lahat ng kalaban?

Naging ugat man ng mapait at mapusok na hidwaan ang kanyang kandidatura  sa simula, nang matapos ang kampanya ay malinaw pa sa sikat ng araw na hindi ito nagresulta sa pagkahati ng 50-50 ng lipunan. Nakumpirma ng resulta na handa ang higit na malaking bahagi ng mamamayang Pilipino na bigyan ng pagkakataon si BBM. Handa tayong patunayan ni BBM ang kanyang kakayanan bilang presidente.

Mula sa sandaling ito, mas ikabubuti ng bansa kung bawat isa sa atin ay tumingin sa landas na hinaharap, imbes­ na sa daang pinanggalingan. Sa ganitong paraan natin mala­lampasan ang mabigat na hamon na iniwan ng kasaysayan.

Bilang isang lingkod bayan, akademiko at abogado, bahagi ng aking obligasyon sa komunidad ang maging mapanuri. Maari itong gawin ng sinuman nang hindi nagiging mapanghadlang. Kuwestiyunin kung kailangang intindihin subalit gawin sa paraan na mas ikauunawa ng madla.

Bukas ng tanghali, susumpa na ang ating bagong presidente. Bukas ay mabibigyan tayong lahat ng bagong umaga at bagong pag-asa. Pag-asa para sa kinabukasan at pag-asa na, sa wakas, gagaan ang pasang krus na ilang dekadang nagpabigat sa ating dalahin.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with