^

PSN Opinyon

Usapang geo  

KasamBuhay - Jing Castañeda - Pilipino Star Ngayon
Usapang geo       
Isa ito sa apat na geothermal power plant facilities ng Energy Development Corporation (EDC) sa Tongonan, Kananga, Leyte. Ang apat na ito --Tongonan, Upper Mahiao, Malitbog, at Mahanagdong – ay gumagawa ng total base load capacity na 669.5 MW ng malinis, reliable, at stable electric power saloob ng 40 taon.

“Climate change is the single greatest threat to a sustainable future but, at the same time addressing the climate challenge presents a golden opportunity to promote prosperity, security, and a brighter future for all.” Ito ang nagingpahayag ng dating Secretary-General ng United Nations nasi Ban-Ki Moon nasiya ring pangunahing mensahe ng aming programang “Geo Talks” -  ang special episode ng Pamilya Talk tungkol sa geothermal energy. Nakapanayam ko sina Carlo Lorenzo Vega, vice president for Power Marketing, Trading and Economics of First Gen Corp., at Jeff Caranto, AVP at Head of Exploration ng Energy Development Corp. (EDC), na nagbigay-liwanag sa konsepto ng geothermal energy, kung paano ito makatutulong sa krisis sa klima at kung paanon ito mapapababa ang bayarin sa kuryente.

Umpisa pa lang ng panyam, nagbabala na si Jeff na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang pinaka-apektado ng problema sa klima.

“Ayon sapag-aaral, isa ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na pinaka-vulnerable sa climate change … marami tayo ng nararanasang malalakas na bagyo ngayon … para minang parami at lumalakas pa,” sabi ni Jeff.

Pero tiniyak din naman ni Jeff (Presidenterin ng National Geothermal Association of the Philippines) na maraming mga paraan para maagapan ang problema ng ito sa pagtutulungan ng lahat ng mga sektor. Isa nasa mga paraan ay ang paggamit ng renewable energy (RE) na tulad ng geothermal energy. Naniniwala si Jeff na ang geothermal energy ang pinaka magandang source ng renewable energy. Ayon sa mga pag-aaral, malaki ang kaugnayan ng development at pag-unlad ng ekonomiya sa pagkakaroon ng sapat at dependable nasuplay ng enerhiya at elektrisidad. Ang problema, malaking bahagi parin ng enerhiya sa Pilipinas at sa buong mundo ay nag mumula sa coal na masama ang dulot sa kalikasan. Hindi tulad ng renewable energy na gaya ng geothermal energy namaka-kalikasan, sustainable at nag papababa ng gastusin sa kuryente. 

(Image Source: ThinkGeoEnergy)

Kasunod ng US at Indonesia, ang Pilipinas ang pangatlo sa pinaka malaking generator ng geothermal electricity. Nagsimula ang geothermal exploration noong 1962, at ang unang commercial power units ay gumana na sa dalawang lugar noong 1979. Noong 1984, apat na geothermal fields na may pinagsamang kapasidad na 890 MW, ang nagbigay ng humigit-kumulang 20% ng mga pangangailangan ng kuryente sa bansa.

Dahil ang renewable energy na tulad ng geothermal ang nakita ng isang solusyon sa climate crisis, masuwerte ang Pilipinas dahil marami itong mapagkukunan nito dahil sa dami ng mga natutulog na bulkan na siyang pangunahing pinagmumulan ng geothermal energy. Ikinuwento ni Jeff kung paano nag susuplay ang geothermal plants ng EDC 24/7 sa kabuuan ng Negros, Panay at bahagi ng Cebu – kasama na rito ang pinaka-matandang planta nito sa Leyte na apat napungtaon nang gumagawa ng geothermal energy.

Dagdag naman ni Carlo, kapag mas dumami ang suplay ng geothermal energy, mas bababa pa ang gastusin sa kuryente sa pamamagitan ng simple ng konsepto ng supply at demand. Dahil ang mga distribution utilities ay kasalukuyang may monopolyo sa energy generation at distribution, walang magawa si Juan dela Cruz kundi ang sumunod sa mga presyo na itinakda ng mga distributor.

Kaya delikado ang krisis sa enerhiya na idinudulot ng giyerang Russia-Ukraine kung saan nagmumula ang ating coal. Dahil dito, dapat tayo ng tumingin sa mga alternatibong source upang matiyak ang tuluy-tuloy na produksyon at distribusyon ng enerhiya sa Pilipinas.

Tiniyak naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na makakayanan ng bansa ang kasalukuyang isyung mataas na presyo ng langis dahil nagpapatupad nang mga patakaran at programa ang gobyerno upang mabawi ang epekto ng digmaang Russia-Ukraine.

"We've been through catastrophes, and the Philippines has always been resilient. We just keep moving forward while we try to mitigate the impact,” sabi ni Lopez sa isang Kapihan sa Manila Bay.

Isa ang Lake Agco Integrated Schoolsahost schoolsng EDC sa Mt. Apo Geothermal Power Plant project.

Para mas mapagaan pa ang energy crisis, malakirin ang maitutulong ng GEOP – o ang Green Energy Option Program. Ang GEOP ay bahagi ng Renewable Energy Act of 2008 nalayunin ang paglago ng renewable energy sa bansa. Ang programa ay nagpapahintulot sa mga mamimili na kunin ang kanilang kuryente mula sa renewable energy sources tulad ng biomass, solar, wind, geothermal, ocean energy at hydropower. Ang end users ng kuryente ay hindi na limitado ang source ng kanilang supply mula sa distributor na malapit sa kanila. Ang eligible consumers ay maaari na ngayong pumili mula sa iba't ibang "Renewable Energy Supplier" na pinahintulutan ng DOE na kumuha ng enerhiya mula sa renewable energy installations.

“It allows some end users to be able to choose where to buy energy from.  Ang sinasabi ng GEOP, puwede kang lumipat outside of your distribution utility pero dapat renewable energy ang bibilhin mo…So yung GEOP is specifically asking end users to switch to renewable energy.  May stages, may requirements, pero ang importante, may choice na, puwede ka nang pumili,“paliwanag ni Carlo.

Aminado sina Jeff at Carlo na ang kakulangan sa kaalaman ukol sa renewable energy sources tulad ng geothermal energy ay isa sa mga dahilan kung bakit ang ibang qualified consumers ay hindi pa rin makalipat sa RE. Kailangan din daw maging consistent ang implementasyon ng mga batas ukol sa RE para mas maabot ang mga ito ng publiko.

Kaya todo-kampanya sina Carlo at Jeff para mas dumami pa ang geothermal advocates. “When it comes to the fight against climate change, all of us would have to say na walang isang solusyon. There’s no silver bullet. But definitely using renewable energy sources, especially geothermal, is a good way o mabisa ng panlaban sa climate change… Hinihikayat ko ang lahat nasama-sama tayo ng tumawid ng finish line to a cleaner and greener future,” pang-eengganyo ni Carlo.

“Kung EDC lang ang nagpu-push ng efforts or what we’re doing in terms of energy sources para pabagalin yung climate change, kung kami lang ang nasa dulo, we would have failed kung karamihan sa kasama namin ay hindi naman sumama doon. We encourage everyone to join us in this advocacy, hindi lang yung  geothermal kundi the entire renewable energy industry,”  dagdag naman ni Jeff.

Kasama ako sa naniniwala sa adbokasiyang ito dahil malaki ang maitutulong ng geothermal energy at iba pang renewable energy sources para ma-proteksiyunan at mapangalagaan ang ating mundo. Andaan nating hindi naman natin minana ang mundo sa ating mga magulang kundi hinihiram lang natin ito sa ating mga anak.

 

----

 

Watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 12:00-1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: Instagram,

Facebook, YouTube, Tiktok, Twitter and Kumu. Please share your stories or suggest topics at [email protected].

GEOTHERMAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with